Pamilya Aquino mariing tinututulan anumang banta ng karahasan

Pamilya Aquino mariing tinututulan anumang banta ng karahasan

Sara Duterte at Ninoy Aquino

SA gitna ng paggamit ni Vice President Sara Duterte sa pangalan ng dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino, naglabas ng pahayag ang pamilya Aquino.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga Filipino sa naging sagot ni VP Sara bilang tugon sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. tungkol sa  “assassination threat” laban sa kanya at kay First Lady Liza Araneta-Marcos pati na kay House Speaker Martin Romualdez.

“Pumalag nga yung buong bayan noong pinatay ng pamilya nila si Benigno Aquino Jr.. Papalagan ko rin yung ginagawa nila sa akin,” ang sabi ng pangalawang pangulo.

Kasunod nga nito ay nag-issue ng statement ang pamilya Aquino para sa paggunita sa ika-92 kaarawan sana ni Ninoy ngayong araw, November 27.

Baka Bet Mo: Kris walang anumang uri ng cancer; may tanong sa yumaong amang si Ninoy Aquino…ano kaya yun?

“Si Ninoy Aquino na siguro ang pulitikong nakaranas ng pinakamatinding panggigipit mula sa mga Marcos,” ang bahagi ng pahayag ng pamilya Aquino.

“Karapat-dapat na sila’y panagutin para sa kanya at sa libu-libo pang dinakip, tinortyur, at pinatay sa panunungkulan ni Marcos, Sr.


“Gayunpaman, hanggang sa kaniyang huling araw, naniwala si Ninoy sa lakas ng mapayapang pakikibaka, at noong 1986, ito ang nagpalaya sa atin mula sa kalupitan at kasakiman ng diktadura.

“Ito rin ang paninindigan ng naiwan niyang pamilya,” ang sabi pa sa statement.

Tinututulan din ng pamilya ang anumang uri at banta ng karahasan, “Mariin naming tinututulan ang anumang bantang karahasan o pagpaslan. Ipanalangin natin ang ating bayan.”

Si Ninoy Aquino ang itinuturing na pinakamatinding kritiko noon ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., ang ama ni PBBM. Isa si Ninoy sa mga unang inaresto matapos ang deklarasyon ng martial law noong 1972.

August 21, 1983 nang patayin si Ninoy sa Manila International Airport (Ninoy Aquino International Airport na ngayon), na naging hudyat ng EDSA People Power Revolution na kalauna’y siyang nagpatalsik sa mga Marcos mula sa Malacañang.

Ilang dekada na ang lumipas ngunit hindi pa rin nakakamit ni Ninoy at ang hustisya sa pagpatay sa kanya.

Read more...