Neri Miranda powerful ang nakabangga sa negosyo kaya agad naaresto?

Neri Miranda powerful ang nakabangga sa negosyo kaya agad naaresto?

Neri Miranda

TSIKAHAN ng mga nakakakilala kay Neri Miranda at ilang konektado sa media na tila hindi ito aware na meron siyang warrant of arrest.

Kung totoong si Neri nga ang tinukoy na “Alyas Erin” ng Southern Police District (SPD) sa kanilang Facebook account na ipinost kahapon na may larawan ng babae na blurred ay mukhang nagulat si Neri nang hainan siya ng arrest warrant

Base sa unang paragraph post ng SPD, “A manhunt operation led by personnel of Sub-Station 10 Pasay City Police in coordination with Warrant and Subpoena Section, resulted in the arrest of alias Erin, a 41-year-old actress and businesswoman, at a basement convention center located in a mall in Pasay City on Saturday (November 23) at 2:50 PM.”

Ang katwiran ng aming mga katsikahan kung aware raw si Neri o Erin, malamang hindi na siya dumalo sa business expo sa SMX Convention Center sa araw na inaresto siya.

Baka Bet Mo: Vice Ganda mas wais na sa pera: Hindi na ako magiging poor uli

Base kasi sa post ni Neri noong November 15 ay inaanyayahan niya ang lahat sa November 23 para sa nasabing event.

Ito ang post ng asawa ni Chito Miranda, “Join us as we welcome the unstoppable #WaisNaMisis Neri Miranda at the 15th PHILSME Business Expo!


“From starting with gourmet tuyo to building the powerhouse Wais Na Misis empire, Neri Miranda is the definition of Filipino entrepreneurial spirit. This success story turned MBA student will share her secrets on turning small investments into thriving businesses!.

“Mark your calendars:  November 23, 2024, 15th PHILSME Business Expo.

“Don’t miss this chance to learn from the woman who’s redefending ‘wais’ in business! Limited slots available!” paanyaya ng aktres at negosyante.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na pahayag sina Chito at Neri o ng kampo nila tungkol sa sinasabing inaresto ang tinaguriang Wais na Misis.

Matatandaang una itong inireport ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi na may nagpasa sa kanya ng impormasyon na inaresto nga raw si Neri.

“May nagpasa lang ng impormasyon na ito sa amin na last November 23 ay inaresto ng Pasay City Police sa kasong paglabag sa section 28 of the RA 8799 o ang tinatawag na the securities and regulations code ng Securities and Exchange Commission ang aktres at tinaguriang wais na misis na si Neri Miranda.

“Di pa malinaw kung anong eksakto ang dahilan at kung sino ang mga nagrereklamo.

“Kung totoo man ito ay mas magandang mapakinggan din ang panig ni Neri. Sana ay mapakinggan natin ang bersyon ni Neri at ng mga nagreklamo sa kanya.”

At ang follow-up pa ni Ogie kahapon, “Nauna nating ibinalita rito (Showbiz Update) na inaresto si Neri Naig Miranda, ang maybahay ni Chito Miranda sa SMX Convention ng Pasay City Police.

“Dahil may mga nagsampa ng kaso sa kanya hindi ko alam kung ito’y sindicated 13 counts (o 14) at ito pa nakalakay na top most wanted person pa itong si Neri!

“Alam mo bang iniidolo ‘yan si Neri ng mga maybahay, ng mga misis kasi nga Wais na Misis ‘yan dahil may mga negosyo, at hindi na nga siya nag-artista kasi talagang tumutulong siya para mabigyan ng trabaho ‘yung mga tao.

“May restaurant ‘yan, may resort, may events place, may salon, may Gourmet Tuyo, ang dami, di ba?  Mayroon pa siyang Samgyupsal sa Cebu (City) Jaytee’s (restaurant) sa Tagaytay.

“Sabi nga ng friend ko, mukhang malaking tao ‘yung nakabangga ni Neri dahil sadya na Saturday ipinahuli para walang piyansa kasi weekend, so Monday.

“Actually may nag-send pa sa amin ng mug shot pero minabuti naming hindi na ilabas kasi tayo nalulungkot, bakit ganu’n ang nangyari,” aniya pa.

At binasa ni Ogie ang dokumento na ipinasa sa kanya at naroon ang buong pangalan ni Neri na siya ay inaresto dahil walang lisensiya ang wais na misis sa pagbebenta o pumagitna sa anumang transaksyon tungkol sa usapin ng mga ari-arian.

Ito ang violation of Securities Regulation Code (Section 28 of R.A. 8799), docketed under Criminal Cases No. R-PSY-24-01653-CR to R-PSY-24-01654-CR and R-PSY-24-01829-CR to R-PSY-24-01840-CR.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig nina Chito at Neri o ng kampo nila tungkol sa isyung ito.

Read more...