Zia Dantes maluha-luha sa regalo ni Olivia Rodrigo, Marian nagpasalamat

Zia maluha-luha sa regalo ni Olivia Rodrigo, Marian nagpasalamat

Zia Dantes

TUWANG-TUWA at feeling emotional ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia nang makatanggap ng regalo mula kay Olivia Rodrigo.

Super fan ng international singer si Zia kaya naman hindi ma-explain ng bagets ang kanyang nararamdaman nang matanggap ang bonggang gift mula sa kanyang idol.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Marian ang “unboxing” video ng kanyang panganay na anak sa regalo ni Fil-Am singer-songwriter.

Ang nakalagay sa caption ni Marian ay, “Thank you so much, Olivia Rodrigo! Ate Z is so happy with your gift.

“No wonder so many people admire and love you. Zia loves you so much!” aniya pa.

Baka Bet Mo: Dingdong ayaw munang isiping nagdadalaga na si Zia, umaming mahirap ding maging ‘model dad’: ‘Iba yung expectation versus reality’

Ilan sa mga nasa loob ng box ay ang mga items mula sa “Guts” world tour ni Olivia tulad ng purple tumbler at T-shirt. May bonus pa itong birthday letter para kay Zia.

Makikita nga sa video ang emosyonal na si Xia nang makita ang gift ni Olivia sa kanya at maluha-luha rin ang 9-anyos na bagets dahil sa letter ng pop star.


“Thank you,” ang maririnig na sabi ni Zia sa video.

Nagdiwang ng kanyang 9th birthday ang anak nina Dingdong at Marian ngayong taon kung saan nag-transform si Zia bilang si Olivia.

Nanoon din ang super proud Livie ng “Guts” world tour concert ni Olivia kamakailan na ginanap sa Philippine Arena.

Nagpasalamat din si Marian kay Olivia dahil sa hatid niyang kaligayahan sa anak.Tuwang-tuwa kasi si Zia nang makapanood sa “Guts” world tour ni Olivia last October 5.

Isang short video clip ang ipinost ni Marian sa kanyang Instagram account at mapapanood nga rito ang pagtalon, pagsigaw at pagkaway ni Zia habang nagpe-perform si Olivia.

“Kung saan ka masaya, Anak, nandito lang kami para suportahan ka! We love you!” ang inilagay na caption ni Marian sa Instagram reels.

Super thankful din ang Kapuso actress at TV host kay Olivia dahil talaga namang nag-enjoy nang bonggang-bongga ang kanyang anak.

Mapapanood din sa nasabing video ang tila pagkaway ni Olivia sa kinaroroonan ni Zia kaya naman makikita sa reaksyon ng bagets na parang na-speechless siya at natulala.

“We love you! @oliviarodrigo Salamat pinasaya mo si Ate Zia,” ang sabi pa ni Marian sa caption.

Read more...