ABANGERS na ang fans ng Kapamilya actress na si Julia Montes at ni Megastar Sharon Cuneta sa kanilang teleserye na “Saving Grace.”
Bukas, November 28, na magsisimula ang latest family drama ng ABS-CBN, sa Amazon Prime Video, kaya naman excited na ang madlang pipol na mapanood ito.
Mula sa Dreamscape Entertainment, gaganap si Julia rito bilang si Anna Sarmiento, ang teacher na kikidnap sa batang si Grace, na gagampanan ng baguhang child star na si Xia Grace.
Itatakas ni Teacher Anna ang kanyang estudyante upang ilayo sa mga mapang-abuso at walang kuwentang mga magulang nito played by Jennica Garcia and Christian Bables.
Ang “Saving Grace” ay ang Pinoy version ng hit Japanese series na “Mother.”
Baka Bet Mo: Christian biktima ng pang-aabuso; Julia lalaban para sa mga binubugbog
Sa naganap na special screening at presscon ng “Saving Grace” kamakailan ay inilarawan ni Julia si Mega bilang “very generous” na kaeksena na una niyang nakasama sa “FPJ’s Ang Probinsyano” noong 2022.
“Kapag kaeksena n’yo ang isang Megastar, sobrang lalamunin ka ng emosyon, on and off-cam because sobrang generous niya as a person and as an actress.
“So parang napaka-blessed ko po na mapasama lagi sa casting ng lahat generous,” ani Julia.
Patuloy pa niya, “With Miss Megastar, hindi ako nahirapan, kasi makita ko pa lang yung mata niya, talagang bubuhos na yung emosyon.
“And malalaman n’yo sa story, kapag napanood n’yo, kung bakit ko sinabi na napaka-generous, kasi umabot sa punto pong hindi ko na kailangan ding mag-motivate.
“Tingnan ko lang siya, iiyak na ako. Kasi ganu’n siya ka generous as a person. So napakaswerte ko lang talaga,” dagdag ng aktres.
Inamin ni Julia na na-miss talaga niyang magteleserye at nagpapasalamat siya sa Dreamscape dahil sa kanya ibinigay ang role ni Anna.
“Kasi for me, playing the role of Anna, may nahi-heal sa akin na akala ko wala na, akala ko okay na. And then eto na ko, stronger Julia or Mara (Schnittka) in real life.
“Ito siguro sana maging journey nating lahat kasi being a child abuse survivor or currently going through that, mahirap na walang tao, miski isa na makikinig, maniniwala sa yo o tutulong sa yo,” sey ni Julia.
“Kaya yun, sana kapag nakakakita tayo ng whatever scenario, don’t be scared to help or even ask are you ok kasi malaking tulong yun sa tao na yun. Let’s just be kind,” dugtong ng partner in real life ni Coco Martin.
Nakaka-relate rin daw si Julia sa pinagdaraanan ng karakter ni Anna sa serye, “Kasi may ugali po ako, nagwo-wall din ako. So, it’s really hard to open up, specially kapag yun yung takot ko.
“And with Anna, kaya hirap na hirap ako na i-portray yung role, specially the first episode kasi ang hirap magpigil,” dugtong award-winning actress.
Puring-puri rin ni Julia ang child actress na si Xia Grace na talaga namang nagpakitang-gilas agad bilang isang child abuse survivor sa “Saving Grace.”
“Kapag nakita n’yo na yung galing ng bata, sobrang inosente, sobrang raw. Tapos kapag umiiyak na siya, kailangan kong pigilan na huwag akong madala kasi kailangan maklaro ko sa tao na hindi ako emosyonal na tao, kasi ang dami kong pinagdaanan.
“Walled up akong tao. So ang hirap-hirap nu’n,” sey ng Kapamilya star.
Ka-join din sa cast ng “Saving Grace” sina Janice de Belen, Sam Milby, Elisse Joson at marami pang iba mula sa direksyon nin FM Reyes at Dolly Dulu.
Dalawang episodes kada Huwebes ang ipalalabas sa Prime Video.