Nadine Lustre buking ang rason kung bakit ayaw pang magteleserye

Nadine Lustre buking ang rason kung bakit ayaw pang magteleserye

Nadine Lustre at James Reid

MUKHANG hindi pa makakagawa ng teleserye si Nadine Lustre in the near future dahil mas gusto muna niyang gumawa nang gumawa ng pelikula.

Nakachikahan namin kamakailan ang aktres pagkatapos ng cinema screening at mediacon ng horror movie niyang “Nokturno” sa Gateway Mall Cinema na napapanood pa rin ngayon sa Amazon Prime Video.

Tinanong namin ang dalaga kung posible na bang makagawa siya ng teleserye sa susunod na taon para sa mga loyal fans niya na matagal nang umaasa na mapanood uli siya sa telebisyon.

Sey ni Nadine, ayaw muna niyang magsalita nang tapos tungkol dito pero aniya, hindi naman niya totally isinasara ang pinto sa muling pagsabak sa TV series.

“Sa ngayon kasi, parang so many things going on, and feeling ko kapag nagteleserye ako mas kailangang magbigay ng time and effort for that. So, tingnan natin,” chika ni Nadine.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi ikinumpara sa ‘bulalo’ sina Gerald Anderson at Sam Milby

Feeling namin, mas nae-enjoy ngayon ng aktres ang paggawa ng pelikula tulad na lang ng digital film na “Nokturno” at ang entry niya sa Metro Manila Film Festival 2024 na “Uninvited” kasama sina Aga Muhlach at Vilma Santos.

Nadine Lustre buking ang rason kung bakit ayaw pang magteleserye
Kung hindi kami nagkakamali, ang last teleserye pa ni Nadine ay ang “Till I Met You” noong 2017 kasama ang ex-boyfriend niyang si James Reid.

Sabi pa ni Nadine sa isang hiwalay na panayam, “You know, people always ask me this. I always say na it’s different working on a TV series just because you need more time, lots of time, and a lot more attention to TV series.

“Sometimes, it doesn’t really last for like three months lang,” sabi pa ng aktres. Aniya, okay lang daw siguro kung mini-series lang.

“I feel like there’s so much I want to do and I’m not ready to commit to something like that ganu’n kahabang work. Based on my experience kasi, when you do a series, it’s M-W-F,” aniya pa.

Pangako naman niya sa kanyang fans, “If I do decide to get back to doing teleseryes, I would have to be committed in doing it fully. Like with nothing else to do. Let’s see but that might change.”

Read more...