BIGLANG bumangon ang “bangkay” na nakatakda na sanang i-cremate matapos ideklarang patay na sa isang ospital.
Nakakaloka ang nangyari sa isang 25-year-old na Indian national na muntik nang ma-cremate dahil inakala ngang pumanaw na ito dahil sa kanyang karamdaman.
Kinilala ang biktimang na-wow mali na si Rohitash Kumar na ayon sa ulat ay may speaking at hearing difficulty.
Idiniretso umano sa facility para sa proseso ng cremation ang katawan ni Rohitash base naman sa Hindu rites.
Baka Bet Mo: Andi bumagsak, bumangon, hindi nagpatalo sa laban: ‘And now I’m here… living that Marimar life…’
Noong November 21 daw ay nagkaroon ng epileptic seizure si Rohitash kaya isinugod sa isang ospital sa Rajasthan sa northwestern part ng India.
Ni-revive siya sa pamamagitan ng CPR pero nag-flatline umano ito at idineklarang patay na, base sa report ng The Times of India.
Balitang hindi sumailalim sa post-mortem examination si Rohitash upang malaman ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.
Kasunod ng pagkakadiskubre sa “pagkabuhay” ni Rohitash ibinalik siya agad sa ospital at ang tatlong doktor na nagdeklarang patay na siya ay sinuspindi na.
Wala namang nabanggit sa report kung anu-anong kaso ang isasampa sa mga doktor at sa ospital kung saan dinala si Rohitash.