John Arcilla ‘amateurista’ sa mga singing contest pero biglang tumigil

John Arcilla 'amateurista' sa mga singing contest pero biglang tumigil

Regine Velasquez at John Arcilla

KNOWS n’yo ba na isa ring “kontesero” at “amateurista” ang  award-winning veteran actor na si John Arcilla?

Yes mga ka-BANDERA! As in talagang sumasali sa mga singing contest sa kanilang probinsiya noong kanyang kabataan si John.

Kuwento ng aktor sa nakaraang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda”, palagi siyang niyayaya ng mga kapatid kapag may singing contest sa kanilang lugar sa Baler, Aurora.

“Amateurista ako! Ang Ate ko, Ate Marivic ko, laging ‘Boy, mayroon ditong ano, amateur contest sa Barangay 1. Halika Boy, may amateur contest sa Barangay Buhangin, sumama tayo!'” ang nakatutuwang rebelasyon ni John.

Baka Bet Mo: John Arcilla gustong sundan ang career nina Al Paccino, Robert de Niro at Eddie Garcia: ‘Mamamatay akong aktor’

In fairness, palagi raw siyang first place sa mga sinasalihang contest at ang “Kapalaran” ni Rico J. Puno ang palagi niyang kinakanta.

Hanggang sa maging teenager na nga siya at magkaroon ng pagbabago sa kanyang boses. Dito rin daw siya nagkaroon ng stage fright.

“Until sa adolescent ko, when I was 13, nag-change ‘yung vocal capacity ko, o ‘yung voice box ko. So for the first time, nag-crack ‘yung voice ko. I was 13 or 12 years old. I was singing ‘Kapalaran,'” pagbabalik-tanaw ng aktor.

“From then on, 13 years akong nagka-stage fright. Hindi ako nakakanta sa stage. Doon ako nag-shift sa acting,” lahad ni John.

John Arcilla ‘amateurista’ sa mga singing contest pero biglang tumigil
Ibinahagi rin ni John na sumali rin siya sa mga musical play, sa katunayan, nabigyan pa siya ng chance na maging leading lady ni Regine Velasquez.

Samantala, magiging Kapuso uli si John Arcilla dahil kumpirmado nang makakasama siya sa second season ng “Lolong” starring Ruru Madrid.

Siya ang magiging major-major  kontrabida ni Ruru sa kuwento bilang si Julio Figueroa, isang negosyante at pilantropo na sangkot sa mga ilegal na gawain.

Magsisimula ang “Lolong 2” sa January, 2025 s GMA Prime. Makakasama rin dito sina Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, Maui Taylor at Jean Garcia.

Nariyan din sina Rocco Nacino, Martin del Rosario, Klea Pineda, Tetchie Agbayani, Victor Neri, Nikki Valdez, Bernadette Allyson, Boom Labrusca, Jan Marini, Gerard Pizarras, Archi Adamos, Nicco Manalo, Nikko Natividad, John Clifford, Waynona Collings, Shamaine Buencamino, Rubi Rubi, Inah Evans, Joe Vargas, Karenina Haniel at Leo Martinez.

Read more...