Gerald na-hot seat, may nilinaw sa ‘status’ nila ni letter B at letter P?

Gerald na-hot seat, may nilinaw sa ‘status’ nila ni letter B at letter P?

PHOTO: Instagram/@andersongeraldjr

BIGLANG naungkat ang “past” ni Gerald Anderson sa interview niya with Janno Gibbs at Stanley Chi.

Naging guest kasi siya recently sa “The Men’s Room” ng One News PH at diyan inisa-isa ng dalawang host ang ilang kontrobersiya na kinasasangkutan ng aktor.

Matagal na ang ilang isyu, pero diretsahan pa rin itong inusisa sa aktor.

Isa mga itinanong ay kung okay na raw ba sila ni Letter B?

Biglang tumawa ng malakas si Gerald at halatang nagulat sa tanong ng dalawa.

Baka Bet Mo: Gerald ayaw ‘makisali ‘sa isyu ng pamilya ni Julia at Dennis, pero…

Matagal bago nakasagot ang aktor, ngunit ayon sa kanya: “Hindi ko masagot ng 100%, pero siyempre sa side ko, okay naman. Ang tagal na ‘nun eh. Ayun lang.”

Walang binanggit na pangalan, pero hula namin na ang tinutukoy diyan ay ang ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Kung matatandaan, taong 2019 nang mabalitaang naghiwalay na ang dalawa matapos niyang i-ghost umano si Bea.

Sumunod na nakakaintrigang tanong kay Gerald ay kung totoo ba ‘yung kumakalat na chismis sa kanya at kay letter P.

Sambit ni Gerald, “Ang tagal naman ‘nun…Chismis lang ‘yun.”

Hindi rin sinabi kung sino ito, pero may hinala kami na ang pinag-uusapan nila ay si Pia Wurtzbach na minsan nang na-link sa kanya.

Maaalalang may chika pa noon na nag-date umano ang dalawa matapos magsama sa pelikulang “My Perfect You.”

Walang naging kumpirmasyon about diyan, pero may mga nagsasabi na isa ito sa mga dahilan kaya nag-break sina Gerald at Bea.

Sa ngayon, happily married na si Pia sa travel influencer na si Jeremy Jauncey.

Well, atleast nagmula na mismo sa bibig ni Gerald na walang katotohanan ang about sa kanila ni Pia dati at chismis lang pala ‘yun.

After ng mga maiinit na tanong na ‘yan, naitanong nina Janno at Stanley kay Gerald kung nang-a-unfriend siya ng Ex-dyowa sa Instagram.

Ayon kay Gerald, never niya ito ginawa.

Ang kanyang dahilan, “Ina-unfollow ako, pero never ako [nag-unfollow]. Siyempre naman, bago naghiwalay, we used to cherish those moments na masaya kayo, ‘yun ‘yung perspective ko diyan.”

Maliban diyan, hindi rin daw siya nagbubura ng mga pictures na ibinandera sa IG kasama ang mga ex-dyowa.

“Kahit i-check niyo,” ani pa niya.

Magugunita noong 2021 nang kumpirmahin ni Gerald na very happy siya sa relasyon nila ng current girlfriend na si Julia Barretto.

Nabanggit niya rin sa dating panayam na nakikita niya ang aktres na someone na papakasalan niya in the future.

Samantala, ilan pa sa mga babaeng celebrities na na-link noon kay Gerald ay sina Maja Salvador, Sarah Geronimo, at Kim Chiu.

Read more...