KUNG fan ka ng teatro pero mahilig din sa pelikula, siguradong matutuwa ka sa cinematic version ng iconic broadway musical na “Wicked!”
Napanood na ng BANDERA ang bagong pelikula at tinitiyak namin na hindi ito basta pro-shot ng stage performance.
Dahil ito ay mas pinalawak, mas pinalalim, at mas binigyang-buhay ang mundo ng Oz!
Maganda rin ang naging chemistry ng Hollywood stars na sina Ariana Grande na gumanap bilang si Glinda at Cynthia Erivo bilang Elphaba.
Infairness kay Ariana, hindi lang siya basta perky at kikay dahil may itinatago rin siyang kulit at comedy!
Baka Bet Mo: LIST: Hollywood films na kaabang-abang ngayong Nobyembre
Si Cynthia naman, walang kupas sa husay niya sa pag-arte at now lang din namin nalaman na magaling din pala siyang kumanta at talagang nagbe-blend sila ni Ariana.
Habang pinapanood namin ang “Wicked,” halos hindi na matanggal ang ngiti sa aming mga labi dahil nakakaaliw talaga itong panoorin, lalo na sa mga nakikita naming bonggang production design at special effects.
Ayaw namin masyadong idetalye ang nilalaman ng pelikula, pero isa itong pagbabalik-tanaw noong mga bata pa sina Glinda at Elphaba na kung saan ay mga estudyante pa sila ng Shiz University hanggang sa nilakbay na nga nila nang magkasama ang Emerald City.
At dahil naging mas detalyado ang mga eksena, nagkaroon ng pagkakataon ang pelikula na bigyang-pansin ang mga emosyonal na aspeto ng kwento, lalo na sa kalagayan ng mga hayop sa Oz na naging turning point para kay Elphaba.
Para sa amin, worth it manood ng “Wicked” movie dahil ipapakita talaga riyan kung paano nagsimula ang pagkakaibigan at alitan nina Glinda at Elphaba.
Bitin na bitin ang ending ng pelikula, kaya naman looking forward talaga kami sa Part 2 nito na nakatakdang ipalabas sa susunod na taon!