Nadia nagpapalakas na, ibinunyag ang ‘near death’ experience matapos operahan

Nadia nagpapalakas na, ibinunyag ang ‘near death’ experience matapos operahan

PHOTO: Screengrab from Facebook/Nadia Montenegro Pla

ROAD to recovery na ang batikang aktres na si Nadia Montenegro matapos isugod sa ospital at operahan dahil sa Wolff-Parkinson-White (WPW) Syndrome.

Ang latest update ay ibinalita mismo ni Nadia sa isang Facebook post kamakailan lang.

Sa ibinanderang selfie video, unang pinasalamatan ng aktres ang lahat ng nag-message, nag-alala at nagdasal para sa kanyang pagpapagaling.

Nilinaw niya rin na nakalabas na siya ng ospital at kasalukuyan na siyang nagpapahinga sa kanyang bahay.

“I just need to heal a little,” sey niya sa video.

Baka Bet Mo: Nadia Montenegro: Hindi pala ako malakas, hindi pala ako magaling…

Ayon kay Nadia, inatake siya ng WPW last week na kung saan ay bumaba ang kanyang blood pressure.

“Ang nangyari lang po ‘nung Friday ‘nung tinakbo ko ang aking sarili sa Lipa, ang aking BP po ay bumaba na ng 60/49 kaya hindi po naging maganda. Ako po ay inilipat ng SL (St. Luke’s) QC muna and then nilipat sa SL (St. Luke’s) BGC,” chika niya.

Dagdag niya, “I was diagnosed this disease when I was 17 years old…Ang Wolff-Parkinson-White syndrome ay isang disease na umaatake ang puso ko na umaabot ng 160 to 290 beats per minute ang aking puso at meron po akong ginagawang breathing exercise na nagpapa-stop po ng aking heart para mag-regulate po ang aking heartbeat.”

Ipinaliwanag niya rin kung anong klaseng operasyon ang ginawa sa kanya nang ma-confine sa St. Luke’s BGC.

“Ablation procedure po ‘yung ginawa sa puso ko,” lahad ni Nadia.

Paliwanag niya, “Ang ablation surgery po ay ginagawa sa groin. Bali apat po na catheter ang pinasok sa aking right artery and then tatlo po sa aking left artery. And ang procedure po na ginawa ay hindi stent, hindi rin po ako na-angioplasty, hindi rin po ako na-open heart surgery. Ito po ay isang procedure na ginagawa sa heart where in kina-clamp or kina-cut or burn na tinatawag nila. Binu-burn po nila ang isang parte ng aking nerve dahil meron po akong sobrang nerve…kaya kinailangan pong i-cut ‘yun.”

At dahil sumailalim na siya sa surgery, sinabi niyang wala na siyang WPW.

Kasunod niyan, ikinuwento ni Nadia ang nangyaring near death experience matapos ang successful operation.

“Ako po ay nasa kwarto na and may nangyari pong isang emergency na ang sabi po ay ako’y nawala ng apat na minuto, nangitim nalang po ako, nawala ang aking heartbeat,” sambit niya.

Saad pa niya, “Hindi ko po alam kung ano ang nangyari, basta paggising ko ay andoon po ang aking nanay at ang aking mga anak at nakita po nila ‘yung nangyari.”

Bandang huli, very thankful si Nadia na nakaligtas siya sa kapahamakan at buhay pa siya.

“Basta ako’y masaya na nalampasan ko nanaman ‘to dahil po sa inyong mga dasal at dahil sa napaka faithful nating Diyos. And marami pa po akong gagawin sa buhay,” wika niya.

Aniya pa, “I’ll be back soon. I’ll be working soon. Papalakas lang po. Maraming salamat po sa inyong lahat, God bless us all and ingatan ang health.”

Read more...