#SerbisyoBandera: Recycled parol ng mga PDL sa San Juan simbolo ng pag-asa

#SerbisyoBandera: Recycled parol ng mga PDL sa San Juan simbolo ng pag-asa

PHOTO: Courtesy of San Juan City Jail – Mail Dormitory

TUWING sasapit ang holiday season, ang karaniwang isinasabit ng mga Pinoy sa kanilang mga tahanan ay ang mga makukulay na parol o Christmas lanterns.

Bukod kasi sa masaganang Kapaskuhan, ang liwanag nito ay sumisimbolo rin sa pagbabago at pag-asa.

Katulad na lamang ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa San Juan City Jail – Mail Dormitory na patuloy na nagpapakita ng talento at sipag bago ipagdiwang ang Pasko.

Gumagawa sila ng tinatawag na “San Juanderful” parol na mula sa recycled na materyales.

Ang mga parol ay bahagi ng R.O.N.N.I.E. Project, isang inisyatibo sa pamumuno ni Acting Warden JSINSP Ronnie Padua.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Holdaper arestado sa tulong ng BJMP San Juan

Ang handmade parols ng mga PDL ay ibinebenta sa publiko sa tulong ng mga Community Relations Service (CRS) at Welfare and Development (WD) officers.

PHOTO: Courtesy of San Juan City Jail – Mail Dormitory

Ayon kay Padua, ito ay pagkakataon sa mga PDL na magkaroon ng karagdagang kita upang matustusan ng pampinansyal ang kanilang sarili at ang kanilang mga mahal sa buhay. 

Wika pa ng acting warden, ang “San Juanderful” parol ay simbolo ng pag-asa, pagbabago, at bagong simula para sa mga PDL ng San Juan City Jail na patuloy na nagiging bahagi ng isang mas makulay na hinaharap.

Para sa mga nais bumili o umorder, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Facebook page ng piitan, ang San Juan City Jail Male Dormitory.

Pwede ring makipag-ugnayan kay JO1 Jenina Ryl Martinez David sa numerong, 09274774101 o kaya ay magpadala ng mensahe sa kanilang email address, sanjuancjmd2024@gmail.com

Read more...