TINGNAN: Celebs patalbugan ng #OOTD sa Star Magic Christmas Ball

TINGNAN: Celebs patalbugan ng #OOTD sa Star Magic Christmas Ball

BINI, Angeline Quinto, FranSeth, Fyang Smith

PASABOG at talagang patalbugan ang ilang Kapamilya celebrities na rumampa sa white carpet ng Star Magical Christmas Ball!

Naganap ito kagabi, November 24, sa Solaire North sa Quezon City.

Todo flex ang mga dumalong artista sa kanilang stylish at whimsical looks na inspired sa Kapaskuhan.

Baka Bet Mo: Fyang Smith PBB Gen 11 Big Winner, wagi ng house & lot, P1-M

Narito ang ilang agaw-pansin na ibinandera sa Instagram page ng Metro Magazine:

BINI

Very unique at ang creative ng naging look ng nation’s P-Pop girl group na BINI.

Ang kanilang peg ay bilang Pinoy Christmas Handa!

Kitang-kita niyo naman may nagbihis lechon, queso de bola, lumpia, at softdrinks na karaniwang inihahanda ng maraming Pilipino tuwing Pasko.

DonBelle

Very classic at very demure naman ang OOTD ng power couple na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano na matchy-matchy sa kanilang classic red and black outfits.

LoiNie

Looking charming naman ang reel and real life partners na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Beautiful in white and silver outfit si Loisa, habang poging-pogi sa kanyang stylish green ensemble si Ronnie.

FranSeth

Red na red naman ang naging tema nina Francine Diaz at Seth Fedelin!

Naka-classy tuxedo ang aktor, habang ang aktres ay naka-sexy dress na may malaking ribbon sa gilid.

Fyang Smith

Mala-fairy naman ang look ng Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith na nakasuot ng purple whimsical dress.

BGYO

Agaw-pansin din ang Pinoy boy band na BGYO na inspired sa Christmas stockings ang kanilang suot!

Angeline Quinto

Halos hindi naman makilala ang batikang singer na si Angeline Quinto na nag ala-Mariah Carey sa event.

Read more...