‘Hello, Love, Again’ 1st Pinoy film na kumita ng P1-B worldwide

‘Hello, Love, Again’ 1st Pinoy film na kumita ng P1-B worldwide

PHOTO: Instagram/@starcinema

NASA second week pa lang ang “Hello, Love, Again” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, pero patuloy itong gumagawa ng kasaysayan.

Ang latest, kumita na ito ng mahigit P1 billion worldwide!

Dahil diyan, ang pelikula ang naging kauna-unahang Filipino film na nakaabot ng nasabing box-office.

“As of November 23, ‘Hello, Love, Again’ has grossed Php1.06 billion, making it the first Filipino movie to surpass one billion pesos at the worldwide box office,” ayon sa Facebook post ng ABS-CBN News.

Ang movie nina Kath at Alden ay showing na sa Hong Kong at Macau, habang may ongoing screenings ito sa ilang European countries, kabilang na ang Austria, Finland, France, Germany, Greece, Ireland, Italy, Malta, Spain, The Netherlands, at UK.

Baka Bet Mo: Kathryn, Alden ayaw nang magkaroon ng part 3 ang ‘Hello, Love, Again’

Magugunita na ang “Hello, Love, Again” ang bagong may hawak ng titulong “highest grossing Filipino film of all time.”

Ito ay matapos kumita ng mahigit P930 million worldwide sa loob lamang ng sampung araw mula ito ipalabas sa mga lokal na sinehan.

“Maraming salamat to all of you who gave your love and support for our film,” bungad sa post ng Star Cinema at GMA Pictures.

Wika pa, “We truly have found our home in you and we celebrate this success with you. ‘Hello, Love, Again’ is now the highest grossing Filipino film of all time in just 10 DAYS!”

Dahil sa milestone na ‘yan, nahigitan ng pelikula ang MMFF 2023 film na “Rewind” na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na may worldwide gross na P924 million.

Matatandaan na ang “Hello, Love, Goodbye” na sequel ng bagong movie ng KathDen ay kumita ng P880 million in global gross.

Read more...