Agot Isidro bumanat sa napanood na video: Na-scam talaga mga botante!

Agot Isidro bumanat sa napanood na video: Na-scam talaga mga botante!

MATAPANG na naglabas ng saloobin ang seasoned actress at singer na si Agot Isidro tungkol sa nangyayari ngayon sa Marcos administration.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang ginawang pagbabanta ni Vice President Sara Duterte sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos at sa asawa nitong si First Lady Liza Marcos.

Itinuturing itong “active threat” ng Palasyo ng Malakanyang kaya naman seryoso itong pinagtutuunan ng pansin ng mga otoridad para masiguro ang kaligtasan ni PBBM.

Binitiwan ni VP Sara ang matindi niyang pahayag laban kina PBBM sa isang online presscon kasama ang kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez.

Baka Bet Mo: Bilin ni VP Sara: Kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta

Aniya, “May kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez.’ No joke, no joke.

“Nagbilin na ako. Kapag namatay ako, sabi ko, ‘Huwag kang tumigil ha, hanggang hindi mo mapatay sila.’ And then he said yes,” aniya pa.

At sa gitna nga ng maingay at sensitibong isyung ito, nagbigay ng reaksiyon si Agot matapos daw niyang mapanood ang isang video.

Sa pamamagitan ng kanyang X account, nagpahayag ang aktres ng kanyang nararamdaman hinggil sa nasaksihang mga eksena sa tinutukoy niyang video.

Walang binanggit si Agot kung tungkol saan ito pero naniniwala ang mga netizens na may kinalaman ito sa bangayan ng kampo ni PBBM at ng Team Duterte.

“Just saw the video. Na-scam talaga mga botante. Sa mga bumoto ng tama, itaas ang kamay,” ang pahayag ni Agot.

Bagama’t walang binanggit na detalye si Agot, mahihiwatigan naman sa mga comment section na ang pinanood niyang video ay tungkol sa kasalukuyang girian sa politika.

“Malinis kunsensya ko, diko binoto mga Duterte. Duda ako sa mga pagkatao nyan una pa lang. Masakit dito, damay damay. Yung iba nag sisisi na. Problema yung mga nauto, nabudol, nakinabang, mga nagbulagbulagan, at mga naging enabler. Until now, hindi umaamin. Yung iba  bulag pa rin.”

Narito ang reaksyon ng mga X users sa patutsada ni Agot Isidro.

“Nakakahiya man pero nabudol kami ‍‍‍ at kahit sinong president niya. Mas lalo siyang magwawalang hiya.  Ganyan ang gagawin niya pala.”

“Ang sarap lang isipin na tama yung binoto ko.”

“Karamihan sa kanila ay hindi na scam. Kusa nilang binoto mga iyan. Hanggang ngayon sinasamba pa rin nila kahit sa mga kontrobersyang kinasasangkutan nila. Hindi na ako umaasa na magbabago pa mga isip nila. Himala na lang siguro ang sagot.”

“‍Still and always proud of my vote.”

“1 of 15M na nanindigan…Liwanag sa Dilim.”

“Malinis kunsensya ko, diko binoto mga Duterte. Duda ako sa mga pagkatao nyan una pa lang. Masakit dito, damay damay. Yung iba nag sisisi na. Problema yung mga nauto, nabudol, nakinabang, mga nagbulagbulagan, at mga naging enabler. Until now, hindi umaamin. Yung iba  bulag pa rin.”

“Literally me kanina, “Buti talaga si Leni-Kiko binoto ko.”

“Loud and Proud. As of today, spectators lang tayo sa drama nila hahaha.”

“Miss @agot_isidro isa po ako sa bumoto sa tama.”

“‍Hinding hindi nagsisisi na si VP Leni at Sen. Kiko ang sinuportahan ko.”

Read more...