“ISINUMPA ko talaga ang ABS (CBN), honestly!” ito ang diretsong sabi ni Coco Martin sa solong panayam niya sa Ogie Diaz Inspires sa YouTube.
Ang dahilan ng actor na siyang director/creative consultant at line producer ng “FPJ’s Batang Quiapo” na money-maker ngayon ng ABS-CBN ay dahil ilang beses siyang ni-reject noong indie actor palang siya.
Nakaramdam daw ng discrimination si Coco dahil nagsimula siya bilang sexy o bold actor sa mga pelikulang Masahista, Serbis, Daybreak at iba pa.
Buong kuwento ni Coco, “Kasi first project ko gay film, sexy tapos kasi putok ako sa indie (movies) no’n kasi tatlo o apat ang ginagawa ko na puro (pang) festival no’n. Sabi niya, ‘puwede kay Coco Martin gagawin naming love triangle ni Shaina (Magdayao) saka ni Rayver (Cruz).
Baka Bet Mo: Coco Martin gagawa ng mga indie movie na ilalaban sa int’l filmfest
“Sabi ko, ‘opo-opo (binanggit ang talent fee) okay na po ‘yan, basta makapasok lang kami kasi nga (katwiran) namin kapag nasa TV ka bread and butter talaga ‘yan ‘yung totoong hanapbuhay. Kaya nu’ng may TV (serye) na nag-inquire sa akin, sobra akong natuwa!
“Tapos after two or three days sabi ni Tita Angge (SLN), ‘sorry kasi si Coco pala boldstar pala, eh.’ Siyempre nakaramdam ako ng rejection at okay lang ‘yun. Isip ko ganu’n pala ‘yun, e, ang tingin ko kasi hindi boldstar kasi laki ako sa lola ko, eh, napaka-conservative nu’ng tao at saka tingin sa akin matandang binata kasi nga ang sungit ko.
“Hindi ako ‘yung taong palaban gagawin ang lahat para maging artista wala ako sa ganu’n. Kaya ako nag-artista kas inga pangarap ko makapagtrabaho abroad.
“Sabi nga ni Kuya Ferdie Lapus na Malaki ang chance ng Masahista na ilaban abroad at hindi naman siya nagkamali dahil nanalo ‘yung pelikula then tumawag si tita Angge pangalawang pagkakataon tapos sabi ‘puwede ba si Coco Martin bestfriend ni Judy Ann (Santos) sa Nars serye, alam ko nag-iba title no’n (role) bestfriend ni Juday bading, sabi ko kaya-kaya go. Tapos binalikan na mana, sabi )sa manager) sexy actor pala si Coco Martin alam mo naman ang ABS-CBN may image (wholesome).
“Doon na talaga ako nasaktan, galit na galit ako talaga, sabi ko bakit ganu’n, e, sila naman ang kumukuha sa akin? Tapos pag binalikan ka nila parang napaka-baba mong tao? Boldstar raw ako?
“Samantalang nu’ng ginagawa ko ang mga trabaho ko hindi ko tinitingnan na boldstar ako, ang tinitingnan ko pelikula (trabaho) at kailangan kong maghubad, eh. Parte ‘to ng pag-arte ko, eh. ‘Yun ang eksena anong gagawin ko?
“Pag lumalaban kami sa ibang bansa may mga love scenes nakita ‘yung parte ng katawan hinahangaan mo, eh. Ang taas pa ng respeto mo. Bakit dito may category? Bakit boldstar (tingin sa akin)?” mahabang sabi ng actor.
Hirit ni Ogie, “may discrimination.”
“Oo, sinumpa ko talaga ang ABS CBN honestly (sabay taas ng dalawang kamay). Sinumpa ko talaga!
“Kasi ang sakit, eh. Ang baba ng tingin sa’yo tapos ikaw ang taas ng respeto mo sa trabaho mo? Tapos ang tingin sa ‘yo ganu’n?” say pa ni Coco.
Hanggang sa lumaban ulit ang pelilula niyang Serbis sa ibang bansa at nagkita raw sila ni Direk Andoy Ranay na may indie movie rin tapos pinapakuha raw ako kay Mommy Jane (Jacklyn Jose)
“Tapos pinapakuha ako sa Ligaw na Bulaklak na ang bida ay si Roxanne Guinoo, sabi ni mommy Jane, “’Co kinnukuha ka ni direk Andoy para raw sab ago niyang soap, sabi ko ‘ayaw ko na mommy Jane, wala namang kuwenta tingin sa akin diyan, ang baba ng tingin nila. Hindi na saka hindi naman ako nao-audition sa kanila, ako ang kinukuha nila tapos pag binalikan nila ako parang dina-drop ka ng ano.
“Tapos sabi ni mommy Jane, ‘sige na ‘nak para sa akin (tanggapin mon a). Pag hindi pa rin natuloy ito, ‘wag ka ng mag TV kahit kalian,”bilin sa kanya ng namayapang aktres.
Si direk Andoy daw ang kumuha kay Coco sa Ligaw na Bulaklak tapos biglang lumipat ng GMA kaya medyo nabahala siya at ang pumalit ay si Direk Avel Sunpongco at ang karakter niya ay konsehal na maliit lang ang role na pumatay sa pulis at tinutukan ng baril si Sid Lucero na kasama rin niya sa indie movies.
“Nilaro ko ‘yung role ko (adlib) tapos doon ako napansin ni direk Ave at tinanong kung sino ako, hanggang sa inalok na ako ng ibang serye na kinuha ‘yung mga award winning indie actor, ito ‘yung Tayong Dalawa (2009) napasama ako doon ako pumutok,” masayang kuwento ng actor.
At nagtawagan na raw sa kanya ang mga TV executives ng ABS-CBN para sa mga sunud-sunod na proyekto ni Coco.