TRENDING na naman sa Facebook ang latest post ng content creator at host na si Ogie Diaz tungkol sa isang influencer na habang mine-make-apan ay pindot ng pindot sa cellphone at sinubuan pa ng pagkain.
Post niya sa FB account niya tungkol sa kuwento ng make-up artist na umabot na sa 3,000 engagements at 56 shares;
Kuwento ni Ogie, “Minsan, na-shock si Make Up Artist. Kasi me mine-make apan siyang isang influencer.”
“Di ko kinaya yung pindot nang pindot ng celfone ang lola mo habang mine-make apan. Okay lang naman yon.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa mga tatakbo: Pagkakataon na para tulungan ang CamSur
“Ang di ko kinaya, gusto mo ‘yung habang minemeyk-apan mo, sinusubuan siya ng PA? Kasi nga, celfone nang celfone! Ayaw ibaba!
“Juice ko, ba’t ba ganyan ang ibang influencers? Sumikat lang sa digital, parang daig pa ang totoong artista na nagsimula talaga sa pinakababa, pero hindi naman ganyan ang asta?”
“Eto din ‘yung nakita na ako sa isang event, gusto pa yata niya, siya lalapitan at babatiin ko. Ngumiti na ako, di man lang sinuklian ng ngiti.
“Baka nahihiya lang sa yo, Mama Ogs,” sabi ng make- up artist.
“Kung ano-anong kagagahan ang kino-content mo, mahiyain ka sa personal? Di ko gets.”
“Anyway, baka nga ganon talaga siya, kaya imbes na mabuwisit eh deadma na lang. Hehehe,” kuwento ni Ogie.
Isa kami sa nagtanong kung sino ang influencer pero hindi kami sinasagot ni Ogie. Maging ang ibang taga-showbiz ay nagtatanungan kung sino ito at may isang magaling na manunulat ang nagsabing, “baka si (female influencer) kasi nga di ba maraming galit kasi maarte t reklamadora.”
Binanggit din ng magaling na manunulat ang mga nasaksihan niyang gawain noon ng influencer na talagang ikinaloloka ng mga katrabaho nito.”
May isang hirit pa ang magaling na manunulat, “teka hindi naman kaya si (babaeng influencer ulit) ugali rin kasi niya ‘yang gusto pinagsisilbihan.”
Well, sa mga nabanggit na pangalan ay totoong may mga ugali ang dalawa na feeling kagaling-galing.