Chloe San Jose tinawag na narcissistic, pumatol: Lol

Chloe San Jose tinawag na narcissistic, pumatol: Lol

PINALAGAN ng girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose ang isang netizen na nag-nega comment sa kanyang post.

Ibinahagi kasi niya sa kanyang Instagram post ang mga larawan na kuha sa event ng Tatler Philippines kung saan tumanggap si Carlos ng Tatler Impact Award dahil sa kanyang pagkakapanalo ng dalawang gold medals sa nagdaang 2024 Paris Olympics.

“Bursting with pride for my mahal @c_edrielzxs [emojis] You’ve worked so hard and poured so much of yourself into everything you do. This award is a testament to your incredible talent, passion, and heart,” saad ni Chloe.

Dagdag pa niya, “Congratulations on your Tatler Impact Award for Culture, Dada!! I’m so proud of you, today and always [heart emoji]”

Baka Bet Mo: Ai Ai bumuwelta kay Chloe, kinampihan ni Darryl: Di ka niya kaya pati anak ko

Sa dami ng mga congratulatory messages na natanggap ni Chloe para sa kanyang dyowa ay hindi pa rin maiiwasan na may mga komentong hindi niy gusto ang makalusot.

Sita ng netizen, si Carlos raw ang may award pero puro pictures niya ang naka-post at tinawag pa siyang “narcissistic” o masyadong mahal ang sarili.

“Yung award para kay Caloy pero ang photos as usual puro na naman about you. NARC,” komento ng netizen sa post ni Chloe.

Hindi naman nagpadaig ang dalaga at sinagot ang comment.

“You’re on my page, obviously the photos would be of me… please go ahead and feel free to check Carlos’ account, his pictures are there lol *common sense *” buwelta ni Chloe.

May mga netizens rin naman na to the rescue at sinabing maging masaya na lamang ito para sa dalaga at huwag na itong gawing big deal.

“maging masaya ka na lang. Ang ganda nilang pagmasdan, di ba?” comment ng isang metizen.

Chika naman ng isa pa,”malamang sya Ang gf alangan picture mo ang ilagay.”

Read more...