Christian Antolin ‘di kinaya ang ugali ng dating Sang’gre sa Grand BINIverse

Christian Antolin 'di kinaya ang ugali ng dating Sang'gre sa Grand BINIverse

NAGLABAS ng saloobin ang content creator na si Christian Antolin tungkol sa isang artistang nakatabi niya nang dumalo siya sa concert ng nation’s pop group na BINI.

Sa kanyang Facebook MyDay nitong Huwebes, November 21, ibinahagi niyang hindi niya kinaya ang naturang artista.

Kuwento ni Christian, “May nakatabi akong artista sa BINI concert tapos nasa dulo ako ng upuan. Di ko lang kinakaya ‘yong ugali kasi kapag aalis sila buong pamilya sa inuupuan nila.

Baka Bet Mo: Vice Ganda sa ‘tote bag’ issue ni BINI Maloi: Hold your power!

“Tapos kapag babalik, ‘di man lang magsabi ng ‘excuse me’ ni isa sa kanila. Like, hello? Pipi na ba kayo? Nabili n’yo na ba ‘yong buong araw?” dagdag pa niya.

Nagbigay rin ng clue si Christian tungkol sa katauhan ng naturang artista.

“Clue: Isa siyang dating Sang’gre,” sey ng content creator.

Bukod rito ay wala na siyang ibinigay pang detalye tungkol sa artistang kinainisan niya.

Marami tuloy sa mga netizens ang nag-aabang kung papangalanan ba ni Christian Antolin ang aktres o mananatili na lang itong blind item.

Read more...