NAGLABAS ng pahayag si Asia’s Songbird na si Regine Velasquez hinggil sa mga kumakakalat chikang lipas na raw ang kanyang panahon sa larangan ng pagkanta.
Sa inilabas niyang TikTok video nitong Huwebes, November 21, pinaalalahanan niya ang mga tagahanga na huwag sumama ang loob sa mga ganitong naririnig dahil hindi naman ito masamang bagay para sa kanya.
“Don’t panic, don’t be upset, it’s not a bad thing. I’m just being realistic because it’s true. It’s no longer my time. That means I can no longer compete with the young ones,” saad ni Regine.
Aniya, matanda na rin siya at matagal na rin siya sa industriya.
Baka Bet Mo: Regine Velasquez ibinaba sa poster, mga fans nagwala: Mga bastos!
“Come on, I’m 54 years old. I have been in the industry for almost 40 years and I have been singing all my life. And the truth is, even if I still can compete, I really don’t want to anymore,” chika pa ni Regine.
Dagdag pa niya, “Galing akong singing contest and half my career, feeling ko, kailangan ko mag-compete kasi ine-establish ko ‘yong sarili ko. I don’t wanna do that anymore.”
Sa ngayon ay mas nakikita ni Regine ang sarili bilang mentor at ini-enjoy na lang din niya ang career niya.
Masaya rin siya sa respetong natatanggap mula sa mga taong kasabayan niya sa industriya.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging bukas si Regine patungkol sa kanilang career.
Noong May 2024 ay naibahagi niya na madalas nilang pag-usapan ng asawang si Ogie Alcasid ang tungkol sa possibility na mawala sa panahon ang kanilang boses na tanggap naman nila kung mangyayari.
Matatandaan ring viral ngayon si Regine matapos kalampagin ng fans nito ang artcard ng MYX Global kung saan makikitang ibinaba ang billing ni Regine na malaki na ang naambag sa industriya.