Direk Cathy ‘anak-anakan’ noon ang asawa: Tawag sa akin nanay

Direk Cathy 'anak-anakan' noon ang asawa: Tawag sa akin nanay

PROUD na ibinandera ng blockbuster director na si Direk Cathy Garcia-Sampana ang kanilang love story ng mister na si Louie Sampana.

Sa naging panayam niya sa Kapamilya broadcaster na si Bernadette Sembrano ay naging open ito sa istorya ng kanyang love life.

Chika nga ni Direk Cathy, dalawang dekada o 20 years ang agwat ng kanilang mga edad.

“Naging camera man ko siya totoy na totoy pa in ‘Got To Believe’ with KathNiel.

Baka Bet Mo: Kathryn, Alden maraming pinatunayan kay Direk Cathy habang nasa Canada

“Ang tawag ko sa kaniya, anak. Ang tawag niya sa akin, nanay,” saad ni Direk Cathy.

Late na raw nang na-realize niya na cute rin ang kanyang asawa.

“Ngayon ko lang napansin—kasi hindi ko naman siya natititigan dati—‘hmmmm may hitsura pala ‘tong batang ‘to.’ Tapos ‘yon na, the rest is history,” “chika pa ni Direk.

Kuwento pa ng direktor, nakita raw niyang minahal ni Louie ang kanyang mga anak.

Bago kasi ang kanilang relasyon at kasal si Direk Cathy na si Philip Molina na namatay sa isang aksidente noong 2009.

“Dumating sa point na nale-left out na ko. Nagseselos na ako. Kasi mas malapit ‘yong taon nila kaysa sa taon namin,” proud pang sabi ng direktor.

May 2023 nang ikasal ang dalawa sa Zambales na dinaluhan ng maraming mga artistang malapit sa kanila.

Read more...