Song Joong Ki, Katy Louise winelcome ang second baby

Song Joong Ki, Katy Louise winelcome ang second baby

IPINANGANAK na ni Katy Louise Saunders ang ikalawang baby nila ng South Korean actor na si Song Joong Ki.

Ang masayang balita ay ibinahagi mismo ng aktor sa ginanap na fan cafe nitong Miyerkules, November 20.

“I’m currently in Rome, and it’s been just over a year since I met my first child here,” panimula ni Joong Ki.

Kasunod ay ang pag-anunsyo niya ng pagdating ng kanilang second baby na isang baby girl.

Baka Bet Mo: Song Joong Ki, Katy Louise Saunders may baby na: ‘He’s a healthy son!’

“I’m incredibly grateful to announce that we’ve been blessed with another beautiful baby. Our lovely princess was born healthy, and both my wife and our baby are doing well and resting,” kuwento pa ni Joong Ki.

Matatandaang nitong July lamang nang inanundyo ng agency ng aktor sa isang brief staremebt ang pagdadalangtao ni Katy.

Hindi nito nabanggit kung ilang buwan na ang ipinagbubuntis ng asawa ni Joong Ki noong mga panahon na ‘yon.

Unang ginulat ng South Korean superstar ang madlang pipol nang ibalita nitong ikinasal na sila noong January 2023.

Matapos ang ilang buwan ay ipinanganak ni Katy ang panganay nila ni Joong Ki na isa namang baby boy.

Chika ng aktor, noon pa man ay pangarap na niyang bumuo ng sariling pamilya.

Matatandaang bago ang pagpapakasal ni Joong Ki kay Katy ay ikinasal muna ito sa kapwa South Korean star ma si Song Hye Kyo at nag-divorce noong 2019.

Read more...