MAS natuto na ngayon si Bea Alonzo sa tamang diskarte para maging matapang sa pagharap sa mga pagsubok na dumarating sa kanyang buhay.
Sa dami ng mga nangyari ngayong 2024 sa kanyang personal life, aminado ang Kapuso actress na ang taong ito ang maituturing niyang pinakamatindi sa lahat.
Ayon sa dating fianceé ni Dominic Roque, dahil sa mga pinagdaanan niya this year, proud niyang sinabi na mas matuto na raw siyang maging open sa mga surprises of life.
Naghiwalay sina Bea at Dominic this year kasunod ang pagkansela sa dream wedding sana nila nakatakda rin sanang maganap ngayong 2024.
Lahad pa ng award-winning actress, mas makabubuti raw na hayaan na lamang kung ano ang mga plano ni Lord sa kanyang future.
“What I have learned this year is that when things don’t go according to plan, maybe it’s better to trust God’s plan because God’s plan are always better,” ang pahayag ni Bea sa chikahan nila ni Dra. Aivee Teo sa YoTube vlog nito.
Dugtong ng aktres, “So, dapat, hindi ka masyadong nase-shake. That’s what I have learned.
“You know sometimes, life in the universe can surprise you and you always have to be open to God’s surprises,” ang sabi pa ni Bea.
“Naniniwala ako du’n sa quote na ‘this too shall pass.’ So, everything passes, everything’s fleeting, maybe good times or bad times. Everything will just pass.
“And when I look back, you know, parang ‘yung mga unexpected things ‘yung pinakamasasayang part ng buhay ko.
“So, you know, it’s nice to plan and set goals of course. You do want a direction that you can follow, kung ano ‘yung gusto mong output ng buhay mo, at least, ‘yung resulta ng lahat ng hard work mo.
“But then, you know, you should always be open to surprises and be spontaneous and just live your life,” tuluy-tuloy na sabi pa ng Kapuso star.
Sey naman ni Dra. Aivee, talagang hindi madali ang pinagdaanan ni Bea ngayong 2024.
“My God, this must be the hardest year of my life,” ang pagsang-ayon ng aktres.
Balanse na raw ngayon ang takbo ng buhay at career ng dalaga, “Maybe that’s why I’m much happier because I get to live my life.”
Samantala, planado na rin ang holidays ng aktres. Pupunta raw sila ngayong Decemeber ng kanyang pamilya sa Spain kung saan siya nakabili ng apartment.
“We’re going to Spain but we might stop by Dubai, and then Madrid, and then pupunta ako ng London,” sey ni Bea na handang-handa na rin sa pagpasok ng Bagong Taon.
“I have goals for 2025 that I wanna achieve. And I will be aggressive in like, really putting in the work to achieve those goals,” sabi pa ni Bea Alonzo.