HIGH na high pa rin ang movie at TV icon na si Charo Santos-Concio matapos ang kanyang first BINI concert experience sa Araneta Coliseum.
Isa na ring certified Bloom (ang tawag sa fandom ng super all-female P-pop group) ang dating presidente ng ABS-CBN at talagang ibinabandera niya ito sa buong universe.
Sa kanyang social media account, proud na ibinahagi ng award-winning veteran actress ang isang reel kung saan makikitang bini-video niya ang performance ng habang nakikikanta sa hit song ng grupo na “Pantropiko.”
“Still on a high from BINI’s first solo concert,” ang bahagi ng caption ni Charo sa kanyang IG post with matching flower at shining star emoji.
Baka Bet Mo: SB19, BINI muling pinatunayan ang magic sa Nasa Atin Ang Panalo concert
Pinuri rin ng beteranang aktres ang talento, kasipagan at katapangan ng lahat ng members ng BINI na dumaan muna talaga sa butas ng karayom at sa matitinding challenges bago nila naabot ang tagumpay.
“Watching their journey from hopeful trainees to powerhouse performers was pure joy. Congratulations on a night filled with passion, heart, and music that moved us all,” mensahe pa ni Charo.
Bukod dito, ipinost din ng aktres sa IG ang video ng encounter niya sa members ng Nation’s Girl Group.
“I want to congratulate you for your hard work, patience, your perseverance. I watched your story. The best is yet to come. Wow, congratulations!” ang pagbati pa ni Charo Santos sa matagumpay na grupo.