NAKATANGGAP din ng mga indecent proposal mula sa mga bading ang Kapuso hunk actor na si Gil Cuerva.
Walang pag-aalinlangang ni-reveal ng binata na may mga nag-offer din sa kanya na mga miyembro ng LGBTQIA+ community ng one-night stand kapalit ng pera.
Sa panayam kay Gil ng Kapuso actress-TV host na si Mikee Quintos sa bago nitong cooking-talkshow sa GTV, ang “Lutong Bahay” ay isa sa mga naitanong sa kanya kung nakatanggap na siya ng idecent proposal.
Sumalang ang aktor sa “Kitchenterrogate” segment ng show at diretsahan niyang sinagot ang question ng, “Oo naman, yeah! Dali lang, that’s so easy to answer.”
Sundot na tanong ni Mikee, “How did you react?”
“I don’t think na-experience ko ng harap-harapan, usually through messaging,” tugon uli ni Gil.
Sey pa ng binata, “Kasi, parang there are times na usually mag-start, okay, mag-iinvite through dinner, ganu’n.
“Tapos siyempre ako magtatanong, ‘Dinner for what?’ And then du’n na papasok ‘yung indecent proposal.
“I’ll give you money, just go out with me. ‘Di na ‘ko magre-reply kapag ganu’n,” chika pa ni Gil.
Na-experience raw ito ng Kapuso actor noong panahong nagmo-model pa siya.
“It only happened siguro mga a few times lang, lalo nung model ako. Nung nag-showbiz ako, actually parang ‘di na nangyari,” saad pa ng boyfriend ng Kapuso star na si Lexi Gonzales.