Underwear photo ni Gil Cuerva walang daya: Excuse me, I’m not fake! It’s all natural!
DIRETSAHANG sinagot ng Kapuso hunk na si Gil Cuerva kung “fact” or “fake” ang kanyang sexy photo para sa isang underwear brand.
Isa si Gil sa mga GMA stars na walang takot na nagsuot ng skimpy briefs para sa nasabing underwear brand na talaga namang pinagkaguluhan ng mga beki.
In fairness, very confident naman si Gil sa kanyang katawan kaya all-out ang ginawa niyang pagpo-project for the said pictorial.
Sa naganap na Q&A with Arra San Agustin sa pamamagitan ng Facebook Live for “Taste MNL”, natanong si Gil tungkol dito.
“Now that you are an underwear model, masasabi mo ba na all-natural ang pictures mo at hindi ka naglalagay ng palaman to enhance your body tulad ng ginagawa ng iba?” tanong ni Arra.
“Of course, it’s all natural! Excuse me, I’m not fake! Ayoko sa mga fake diyan. Ang daming fake.”
Dugtong pa niya, “I promise legit ‘yun. Hindi ako nagpapa-fake whatever, Photoshop or anything. All natural!”
* * *
Back-to-back na special programs ang hatid ng GMA News pillars na sina Mike Enriquez at Vicky Morales ngayong Sabado.
Magbabalik na ang programa ni Vicky na “Wish Ko Lang!” habang si Mike naman ay pangungunahan ang espesyal na pagtatanghal ng “Imbestigador” na “COVID-19: Special Investigative Reports ni Mike Enriquez”. Parehong bagong episodes ang handog ng mga nasabing programa.
Ang pagbabalik ng “Wish Ko Lang!” ay talaga namang napapanahon. Hatid kasi ng show ni Vicky ang inspirasyon at pag-asa na higit nating kailangan ngayong patuloy pa rin tayong humaharap sa pandemya.
Sigurado namang hindi tatantanan ng “Imbestigador” ang mga isyung kaugnay ng COVID-19. Para sa first part ng report ni Mike, tututukan niya ang public transportation na unti-unti nang binubuksan matapos ang mahigit na dalawang buwan na lockdown.
Abangan ang “Wish Ko Lang!” at “Imbestigador” ngayong Sabado sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.