Parents ni Chelsea super happy sa ‘Miss Universe Asia’ title ng anak

Parents ni Chelsea super happy sa 'Miss Universe Asia' title ng anak

PERSONAL na nasaksihan ng mga magulang ni Chelsea Manalo ang kanyang pagrampa sa katatapos na Miss Universe 2024.

Talagang nagpunta sa Mexico sina Contessa Manalo at Randy Angeles upang bigyan ng moral support ang kanilang anak sa paglaban nito sa naturang international beauty pageant.

Naroon na ang mag-asawa during the preliminary competition hanggang sa grand coronation night na ginanap sa Arena CDMX, Mexico kaya nasubaybayan nila ang naging performance ng dalaga.

Hindi man naiuwi ni Chelsea ang titulo at korona sa Miss Universe ngayong taon, super happy na rin sila sa ibinigay na special award sa bet ng Pilipinas — ang Miss Universe Asia.

“We are so happy! Miss Universe Asia!” ang pahayag ni Contessa sa panayam ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Michelle, Celeste, MJ kay Chelsea Manalo: ‘You made us all proud!’

“Masayang-masaya po,” sey naman ni Randy.

Sa isang hiwalay na interview, ibinandera nina Contessa at Randy ang kanilang pagiging proud parents nang mapanood ang performance ng anak sa preliminaries.

“I’m so proud of her. I’m so happy na naka-smile lang ako the whole time na lumalabas si Chelsea. Nagtsi-cheer ako. Namamaos na nga ako sa sobrang sigaw,” pahayag ni Contessa sa naturang panayam.

Sey naman ni Randy, “Kayang-kaya niya ‘yung laban. Talagang pinaghandaan niya ‘to araw-araw nu’ng nasa Pilipinas pa siya hanggang pumunta ng LA talagang todo-practice. Alam niya sa sarili niya, kukunin niya ang korona para sa Pilipinas.”

Si Chelsea ang kauna-unahang itinanghal na Miss Universe Asia sa history  ng naturang international pageant.

“Maraming salamat. Mabuhay ang Pilipinas! We are making history as first Miss Universe Asia!” ani Chelsea sa isang video na in-upload sa Miss Universe Philippines official Instagram page.

Si Miss Universe Peru ang Miss Universe Americas, Miss Finland as Miss Universe Europe, at Miss Nigeria bilang Miss Universe Africa and Oceania.

Si Victoria Kjaer Theilvig naman ng Denmark ang nanalong Miss Universe 2024.

“To be able to win the crown for Denmark will mean everything to me. This is what I have been working on my whole life.

“I want to make history not only for Denmark since we haven’t had a Miss Universe crown before, but also make history for Europe,” ani Victoria.

Read more...