Sharon sa P10-M donasyon sa mga biktima ng bagyo: Maliit pa nga yu’n kung tutuusin! | Bandera

Sharon sa P10-M donasyon sa mga biktima ng bagyo: Maliit pa nga yu’n kung tutuusin!

Cristy Fermin - November 15, 2013 - 03:00 AM

SHARON CUNETA AT KIKO PANGILINAN

Nu’ng Miyerkoles nang gabi ay nakakuwentuhan namin si Sharon Cuneta sa taping namin ng Christmas Special ng TV5 na ginawa sa kanilang show ni Ogie Alcasid.

Pinasalamatan namin siya sa limang milyong pisong ipinamahala niya sa Alagang Kapatid Foundation para maibahagi rin naman sa mga kababayan natin sa Kabisayaan na tunay namang niligalig at hinubaran ng kabuhayan ng bagyong Yolanda.

Ramdam mo kapag sinsero ang nagkukuwento, madali mong malalaman kapag mula sa puso ang sinasabi ng kausap mo, ‘yun si Sharon habang kaharap namin.

Ayon kay Mega ay napakarami niyang dapat ipagpasalamat sa Diyos. Ang mga biyayang napakasakamay niya ay hindi naman inireregalo ng kapalaran sa lahat ng mga nangangarap, kakaunti lang ang nabibiyayaan, kaya ‘yun pa lang ay sapat nang dahilan para maibahagi niya naman sa ating mga kababayan ang kung anumang kaya ng kanyang puso at bulsa.

“Saka napakalaki ng utang na loob ko sa mga kababayan natin. Saanman sila galing, ke sa Kabisayaan man o hindi, gusto kong maibalik naman sa kanila ang mga biyayang nakuha ko nang dahil sa matinding suporta nila.

“Maliit na part nga lang ‘yun kung tutuusin, di ba? Matindi ang nangyari ngayon, kapag napapanood ko ang footage ng iniwanan ng bagyo, iyak ako nang iyak. Hindi naman kailangang maging kamag-anak mo ang tao para tulungan mo,” sinserong kuwento ni Sharon.

Nagmana lang sa kanya si KC Concepcion na limang milyong piso rin ang ibinigay na tulong para sa mga biktima ni Yolanda. Napakaganda ng ngiti ng Megastar nang marinig niya ang papuri ng mga tao sa paligid.

“Mabait ang anak ko, mapagmahal siya,” tanging nasabi ng nag-iisang Megastar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending