Bossing bigay na bigay sa paghataw sa school event ni Tali: Good job!

Bossing bigay na bigay sa paghataw sa school event ni Tali: Good job!

Vic Sotto at Tali Sotto

SA kabila ng pagiging busy sa kanyang pagtatrabaho, talagang naglalaan ng panahon si Bossing Vic Sotto para sa anak niyang si Tali.

In fairness, kinarir ng TV at movie icon ang kanyang bonggang dance performance para sorpresahin ang anak nila ni Pauleen Luna sa school event nito recently.

Proud na ibinandera ni Poleng sa social media ang video ng paghataw ni Bossing kasama ang iba pang daddy ng mga kaklase at schoolmates ni Tali.

Sabi ng TV host-actress, wala raw kaalam-alam ang kanilang anak na magsasayaw ang daddy nito sa harap ng mga dumalo sa naturang school event.

Baka Bet Mo: Bossing, Pauleen payag agad sa pag-aartista ni Tali: She’s very funny, nakakatawa siya at gusto talaga niya

“Father daughter day in school today! Art, games, and surprises happened this morning.

“Tali surprised Vic with a dance, not knowing that Vic had one for her too! What a lovely sight to see!


“Good job to all the daddies, especially to our very own Vic! Love you both!” ang inilagay na caption ni Pauleen sa kanyang Instagram post.

Makikita sa video ang “Eat Bulaga” host na tila nagwa-warm up pa para sa gagawing performance kasama ang iba pang tatay ng mga estudyante sa venue.

Sa isang bahagi naman ng video, ipinakita ang napakabibong si Tali habang nagpe-perform with the other students. Talagang hataw kung hataw din ang bagels. Binati pa niya ang ama at sinabihan ng, “I love you, dad!”

Narito ang ilang comments ng mga netizen sa cute na cute na video ng mag-ama.

“Awww!!! I love it! Biggest smiles on both of them. Siyempre si mommy present din for photo and video.”

“Bossing is the coolest dad.”

“Hayyyy na lng masasabi ko complete package po mabait supportive cool at hindi po kill joy na tatay po si Vic sa anak po niya sana lahat ng parents hindi nahihiya mag Sayaw basta support support lang.”

“Very inspiring to all dad that despite of… and whatever it takes… Bossing gives all his support, time, dedication, and might to give Tali happiness and best memories of her childhood. good job Bossing and Pauleen.”

“Ha ha ha ha Vic hindi ako maka get over ang pogi mo parang ang bait bait mo. Very jolly. Nakaka good vibes. Mukha ka talagang mas bata sa age. Galing mag alaga ni Pauleen. Congrats Pauleen. Naaliw talaga ako sa video.”

Read more...