Linya-Linya Land 2024 mas bongga; plano bang dalhin sa Visayas, Mindanao?

Linya-Linya Land 2024 mas bongga; plano bang dalhin sa Visayas, Mindanao?

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

MALAPIT nang umarangkada ang taunang Linya-Linya Land!

Curious ba kayo kung ano ang kakaibang inihanda nila para sa taong 2024?

Inisa-isa ‘yan sa amin ng co-founder at creative director ng Linya-Linya na si Ali Sangalang nang magpunta kami sa kanilang headquarters sa Quezon City kamakailan lang para sa isang intimate press conference ng upcoming event.

Inamin pa nga sa amin ni Ali na kahit sila ay nagulat dahil nagawa nilang pagsamahin ang kanilang dream performers at collaborators sa iisang stage.

“Alam naman natin how hard it is to bring them all together and para pumayag sila. It really means a lot kasi alam din nila kung ano ang tina-try naming i-push,” sey ng co-founder.

Chika niya, “So happy kami na dream performers namin ang nandito and may mga first timers sa Linya-Linya Land, kagaya ni Unique Salonga. Isa siya sa mga matagal na naming gustong maka-partner and finally kasama na namin siya.”

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: SB19 Justin, Sony Music PH nagbigay saya, tulong sa Tondo

Bukod kay Unique, tampok din sa show ang OPM musicians na sina Lola Amour, Over October, Cheats, Oh! Flamingo, KJah, Mhot, at Apoc.

At siyempre, hindi mawawala ang comedy na inaabangan ng marami, lalo na’t first time magsasama sa entablado ang powerhouse na SPIT Manila, The KoolPals at Comedy Manila.

“Sila talaga ‘yung nagdo-dominate sa [comedy] space because of their talent, because of how effective sila sa pag-build ng sari-sarili nilang communities and for them to gather here sa Linya-Linya Land…I’m super excited for this,” dagdag ni Ali.

And wait, there’s more! Dahil first time ding magkakaroon ng drag performance sa upcoming event na kung saan ay magtatanghal ang Rupaul’s Drag Race Philippines Season 3 superstar na si Tita Baby.

“Super happy kami to have Tita Baby sa stage and I think kakaiba talaga ‘yung mix na ‘to, ‘yung level of diversity ng nagawa naming buuin,” saad ni Ali.

Patuloy niya, “And again, excited kaming magsama-sama ang iba’t-ibang klase ng performers on stage and magkaroon ng isang kakaibang experience ang mga tao na from 4 p.m. until 12 a.m. ay immersed sila sa iba’t-ibang art form.”

Katulad last year, present din sa event ang ilang advocacy groups kagaya ng Angat Buhay Foundation, AHA! Learning Center, The Learning Lab at PANTAY.

Kaya naitanong ng BANDERA kung ano ang magiging partisipasyon ng mga ito.

“To be honest, binibigay namin ‘yung floor sa kanila to do it their way, kung ano ‘yung gusto nilang gawin with that space. Hindi namin dini-dictate kung ano ang gagawin nila…So kung meron man silang flyers diyan, merong mga posters or merch na kakausapin ‘yung mga tao doon for them to understand their advocacies better, ‘yun talaga ang goal namin,” paliwanag ng creative director ng Linya Linya.

Aniya pa, “Creating space lang where they can connect with their [advocacies], siyempre hindi lang mga fans ang pupunta doon. Even influencers or artists na makikilala sila. It’s an opportunity for them to connect.”

Taong 2019 pa nag-umpisa ang taunang event kaya may nag-usisa naman kung may balak silang palawakin ito at dalhin sa Visayas at Mindanao, maliban pa rito sa Maynila.

Inamin ni Ali na isa ito sa mga pinapangarap nila para sa Linya-Linya Land, “Happy ako na nasu-sustain namin itong yearly thing namin and next year or for the years coming, tuloy-tuloy naman ‘yung collaboration namin sa labas ng event…So I hope na mas marami pa kaming maging collaborators sa Visayas at sa Mindanao para hopefully we can do it there.”

“Alam namin na ang representation sa Visayas at Mindanao, ang wide at ang lalim pa so that’s part of our dream and hopefully mas makapag-collaborate pa kami to more artist outside Manila,” sey pa niya.

Ani pa ni Ali, “We’re very much open na –hindi man siguro agad na makapunta kami doon pero makasama sila sa event dito kahit sa Metro Manila para kahit unti-unti magkaroon ng representation. And for sure, ‘yung mga nandito sa list na ‘to, meron din sa kanila na galing sa Visayas or Mindanao.”

Ang Linya-Linya Land 2024 ay gaganapin sa 123 Block, Mandala Park sa Mandaluyong City sa November 30.

Ang tickets ay mabibili online sa site na ito: bit.ly/linyalinyaland24

Para sa iba pang impormasyon ng event, maaari niyong tingnan ang social media pages ng Linya-Linya.

Read more...