Mikee Quintos: Hinayaan ko ang sarili kong tumaba kaya wala akong work

Mikee Quintos: Hinayaan ko ang sarili kong tumaba kaya wala akong work

Mikee Quintos

NAPAIYAK ang Kapuso actress na si Mikee Quintos nang balikan ang mga alaala at bonding momenta nila ng kanyang yumaong lola.

Hinding-hindi malilimutan ng dalaga ang mga masasaya at malulungkot na tagpong pinagsamahan at pinagsaluhan nila ng kanyang lola kabilang na ang pagdamay nito sa kanya noong ma-scam at ma-diagnose ng Polycystic ovary syndrome o PCOS.

Sa panayam kay Mikee ng “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong siya kung paano niya hinaharap ngayon ang mga challenges ng buhay.

“I pray. May ugali kasi ako na planner ako. Kung kaya ko ayusin mag-isa, aayusin ko, ipaplano ko. Pero ‘yun ang na-realize kong mali ko.

Baka Bet Mo: Paul Salas sasabak sa lumang tradisyon ng panliligaw para mapasagot si Mikee Quintos: Kung pwede nga haharanahin ko rin siya

“Kasi kakaplano ko, nalilimutan ko nang mag-surrender kay Lord nang puwede kong i-surrender ko sa Kanya,” paliwanag ng girlfriend ni Paul Salas.

Patuloy niya, “Kasi hindi lahat kaya kong ayusing mag-isa. So ‘yung hindi ko kayang ayusin, natutunan kong ibigay sa Kanya. Noong nagawa ko ‘yun, as in, doon ko lang na-feel ‘yung peace.”


Nang ipakita na sa screen ni Tito Boy ang mga litrato nila ng pumanaw niyang lola ay naluha na ang dalaga. Inialay din niya rito ang bago niyang cooking-talkshow sa GTV, ang “Lutong Bahay”.

“Kasi itong Lutong Bahay, si Nanay (lola) ‘yung laging nagluluto sa bahay. So when we lost her, feeling ko gift niya ‘yung Lutong Bahay.

“Na, somehow ‘yung months na wala akong trabaho, na-depress ako, sinisi ko ang sarili ko. Tapos with the PCOS, tumaba ako kaya na-connect-connect ko ‘yun, na kasalanan ko bakit hinayaan ko ang sarili kong tumaba kaya wala akong work.

“‘Yung hate sa sarili. I think doon nanggaling ‘yung depression. Kahit anong pep talk ni Paul, may bigat sa puso ko,” aniya.

Patuloy na pagbabahagi ni Mikee, “One day, nagising ako, sabi ko ‘Tama na, pagod na akong magising na malungkot ako. I have to do something about this.'”

Hanggang sa mabigyan nga siya ng public speaking workshops ng Sparkle GMA Artist Center, “Feeling ko binulungan ako ni Lord, na ‘Oy, gumalaw ka. Tama na ang pagmumukmok Mikee.'”

And after a few months, tinawagan si Mikee ng Sparkle para sabihing siya ang napiling host ng “Lutong Bahay.”

“‘Yung doubt sa sarili. ‘Yung naging effect ng pagsasama ng lahat. ‘Yung pinakamahirap, tinray kong i-handle mag-isa, hindi ako humingi ng tulong kay Lord. ‘Yun ang naging mahirap for me,” pag-amin ni Mikee.

Kung matatandaan, nagdemanda sina Mikee at Paul kasama ang iba pang biktima ng reklamong estafa laban sa isang cryptocurrency group last year. Umabot daw sa P8 million ang natangay sa kanila.

Last October naman nang ibalita ni Mikee na na-diagnose siya ng PCOS, at kasalukuyang kinakarir ang kanyang pagpapapayat.

Read more...