Senatoriable Chavit sa ICC isyu: Foreign investors imbitahan, hindi judges

Senatoriable Chavit sa ICC isyu: foreign investors imbitahan, hindi judges

Hindi naniniwala si Senatorial candidate Luis “Chavit” Singson na dapat payagang makapasok ng bansa ang International Criminal Court o ICC upang imbestigahan si dating pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

“Palagay ko wala namang mangyayari diyan,” sabi ni Singson.

Dagdag pa niya, “Unang-una, hindi ako naniniwala sa [jurisdiction ng] ICC.”

Para kay Singson, insulto sa mga justice ng Supreme Court ang pagpapaunlak sa ICC.

Baka Bet Mo: Aiko Melendez ikinagalak ang full support ni Senatoriable Chavit Singson sa District 5 QC

“May batas tayo. Hindi ba natin kaya ang ating bansa? Bakit pa tayo mag-iimport ng sesentensya ng tao [sa bansa]?” tanong ni Singson.

Payo ni Singson, dapat pagtuunan ang ekonomiya ng bansa at kapakanan ng mga Pilipino.

“Ang imbitahan natin ‘yong mga [foreign] investor, hindi ‘yung mga judges sa ibang bansa,” wika niya.

Tumatakbo si Chavit Singson sa pagka-senador sa 2025 at kabilang sa mga programang isinusulong niya ay ang e-jeepney kung saan lahat ng drayber ay maaaring mabigyan ng eco-friendly at gawang-Pinoy na pampasaherong jeep sa mas mababang halaga nang walang downpayment, walang collateral, at 0% interest; ang Banko ng Masa kung saan bibgyan ng bank account at credit card ang lahat ng Pilipinong edad 18 pataas; at ang Universal Basic Income o Chavit 500 na magbibigay ng P500 sa lahat ng Pilipinong edad 18 pataas na kumikita ng minimum wage o mas mababa, for life.

Read more...