BAGO pumanaw ay inamin ng lead vocalist ng Aegis Band na si Mercy Sunot na nakararamdam siya ng matinding kalungkutan sa Amerika.
Sa isang TikTok video na ipinost ni Mercy sa mismong kaarawan niya last November 6, ay ibinahagi ng OPM artist ang kanyang saloobin tungkol sa solong pamamalagi sa US.
Doon kasi nagpapagamot ang yumaong member ng Aegis mula nang magkaroon siya ng lung at breast cancer at nabanggit nga niya na napakahirap at napakalungkot mag-isa sa isang malayong lugar.
“It’s my birthday today kaya maaga akong nagsimba. Nagpa-alarm ako ng 6:30 a.m. para magising, maligo, para i-celebrate kong mag-isa ang birthday ko,” simulang pagbabahagi ni Mercy.
Baka Bet Mo: Aegis never naisip na sisikat; inaming hinahangaan ang SB19, Ben&Ben, Kahel
“Mahirap, mahirap sa ibang bansa na nag-iisa ka lang. Yung wala kang malapitan, malungkot.
“Iba talaga kapag nasa ibang bansa ka. Solo flight ako.
“Yung gusto kong gawin, hindi ko magawa. Yung mag-celebrate na kasama ang pamilya mo, hindi ko magawa,” patuloy pang kuwento ni Mercy.
Aniya pa, “Iba pa rin sa Pilipinas, napagtanto ko na mas masaya sa Pilipinas kesa dito, pero no choice ako dahil kailangan kong mag-stay nang matagal dahil nagpapagamot ako dito.
“Sana, sana gumaling ako ng mas mabilis para makauwi ako ng Pilipinas,” sabi pa ni Mercy.
Bago siya tuluyang magpaalam sa naturang video ay muli niyang nasambit ang mga katagang, “Ang masasabi ko, one word…malungkot.”
Kinumpirma ng mga kabanda at kapatid ni Mercy na si Juliet Sunot ang kanyang pagpanaw matapos ngang makipaglaban sa cancer sa pamamagitan ng Facebook.
Sumakabilang-buhay ang singer habang naka-confine sa Stanford Hospital and Clinics sa San Francisco, California, kagabi, gabi November 17 (November 18 ng umaga dito sa Pilipinas). Siya ay 48 years old.
“It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band.
“She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest.
“Mercy’s voice wasn’t just a part of AEGIS—it was a voice that brought comfort, joy, and strength to so many.
“She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang.
“Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts.
“Let us come together to celebrate the incredible life she lived and the legacy she leaves behind.
“Mercy, thank you for the music, the love, and the memories. You will be deeply missed!” ang nakasaad sa official statement ng Aegis na ipinost sa kanilang Facebook page.
Magkakaroon ng pre-Valentine concert ang iconic Pinoy rock band sa February 1 at 2, 2025 na may titulong “Halik sa Ulan” pero hindi na nga sila kumpletong papagitna sa stage sa mga araw na yun dahil sa pagpanaw ni Mercy.
Magaganap ito sa New Frontier Theater sa Quezon City na magsisilbing comeback ng grupo sa concert scene at bilang regalo na rin nila sa kanilang mga loyal fans.
Kabilang sa mga pinasikat na kanta ng Aegis Band ay ang “Halik”, “Luha,” “Basang-basa Sa Ulan,” “Sinta,” “Natatawa Ako,” at “Bakit.”