SHOOKT ang beauty queen at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Diana Mackey nang mag-propose sa kanya ang fiancé na si Kiefer Ravena.
Hindi kasi niya inaasahan na magiging ganu’n kabilis ang pangyayari sa relasyon nila ng professional basketball player.
Knows daw niya na nag-hire ng street photographers si Kiefer ngunit never niyang naisip na para pala ito sa kanilang engagement.
“Okay, so the proposal happened in Japan while crossing the road. I had no idea, I was clueless, wala akong na-feel whatsoever,” pahayag ni Diana sa panayam ng ABS-CBN.
Patuloy pa niya, “Kunwari magpi-picture lang ‘yung photographers. Tapos he proposed. Obviously, I was shocked, I didn’t know how to react. Tapos he knelt Tapos I said yes. It felt like a movie!”
Noong October 31, mismong si Kiefer ang nagbalita sa publiko tungkol sa pagpo-propose niya kay Diana sa pamamagitan ng Instagram. Makikita sa mga picture ang dalaga suot ang kanyang engagement ring.
Excited na raw ang dalaga sa next level ng relationship nila ni Kiefer, “I’m very happy. It’s still sinking in. Hindi pa siya nagsi-sink in for me, pero I’m just happy because I’m enjoying the moment of my fiancé life.”
Sa isang hiwalay na panayam, natanong naman si Kiefer tungkol sa kasal nila ni Diana, may mga detalye na ba ito?
“Wedding plans? Wala pa, very surface level pa lang, hindi pa talaga namin napag-uusapan since ‘yun nga kakabalik pa lang namin from Japan and medyo nagsi-sink in pa rin kung ano ‘yung reality,” sabi ng dating Gilas Pilipinas player.
“If anything siguro, it’s the right timing, right person,” dagdag pa niya tungkol sa engagement nila ni Diana.