Kathryn, Alden tuwang-tuwa sa achievement ng ‘HLA’: ‘It’s all worth it!’

Kathryn, Alden tuwang-tuwa sa achievement ng ‘HLA’: ‘It’s all worth it!’

PHOTO: Instagram/@aldenrichards02

WALANG katapusang pasasalamat ang ibinandera ng on-screen partners na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos ang matagumpay na opening ng pelikulang “Hello, Love, Again.”

Magugunitang naging record-breaking sa takilya ang pinagtatambalan ng dalawa sa unang araw pa lang nito.

Sa pamamagitan ng Instagram, inihayag ni Kathryn ang kanyang pagkatuwa sa naging achievement ng bagong pelikula.

“Our hearts are overflowing with so much joy. This is more than what we’ve prayed and wished for,” sey niya sa post.

Patuloy ng aktres, “We poured so much love into this project, and you returned that love a thousandfold. The amount of support we’ve been receiving is beyond what any of us could have imagined.”

Baka Bet Mo: Alden hindi pa rin sinasagot ni Kathryn: Pero pursigido sa panliligaw

“To our fellow Filipinos, thank you for giving us the chance to continue sharing with you the story of Joy and Ethan,” mensahe pa niya sa fans.

Para naman kay Alden, naging memorable at meaningful ang journey ng “Hello, Love, Again” dahil sa supporters.

“It was all worth it, every step of the way!” bungad niya sa caption.

Wika pa ng aktor, “Thank you from the bottom of our hearts, for embracing Ethan and Joy with so much love and support once again.”

“YOU ALL MADE THIS HAPPEN!” aniya pa.

Kung matatandaan, November 13 ang first day ng pagpapalabas ng nasabing pelikula at kumita na agad sila diyan ng P85 million sa takilya.

As of this writing, ito ang highest opening gross ng isang local film.

May mga report din na umabot na sa P155 million ang kinita ng pelikula ng KathDen sa loob lamang ng dalawang araw.

Ang pelikula ay ang sequel ng 2019 blockbuster film na “Hello, Love, Goodbye.” 

Bukod sa dalawa, tampok din diyan sina Joross Gamboa, Jennica Garcia, Valerie Concepcion, Ruby Rodriguez, at marami pang iba.

Read more...