Celebrity Chef Ivory Yat ‘aprub’ ang Pinoy version ng ‘BTS Recipe Book’

Celebrity Chef Ivory Yat ‘aprub’ ang Pinoy version ng ‘BTS Recipe Book’

“MADALING tandaan, madaling gawin and for sure ay ma-eenjoy mo.”

Ganyan inilarawan ng celebrity chef na si Ivory Yat ang Filipino version ng “BTS Recipe Book” sa naganap na book launch kamakailan lang.

Maswerte ang BANDERA dahil isa kami sa mga nakatikim ng niluto at hinanda ni Chef Ivory na kung saan ang naging basehan niya mismo ay ang recipes ng nasabing BTS-themed book.

Pitong paboritong Korean food ng K-Pop kings ang inihanda niya sa amin at kabilang na riyan ang Kimchi-bokkeumbap, ⁠⁠Budae-jjigae, Pajeon, ⁠⁠Chicken, Tteokbokki, ⁠⁠Galbijjim, ⁠⁠Suyuk, at Bungeobbang.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Pinoy version ng ‘BTS Recipe Book’ inaabangan na, anong aasahan?

Inamin ng celebrity chef na kahit siya ay na-excite nang makita ang mini book, lalo na’t madali lang ito maintindihan.

Kwento ng chef sa kanyang speech sa event, “It was so, so nice…Natakot ako kasi of course, hindi naman ako masyadong hard core K-Drama fan, so ang nangyari, hindi ko masyadong kabisado [kung paano niluluto]…But reading the ingredients, you will be excited na lahat talaga is mayroong equivalent na Filipino, so madali siyang maintindihan.”

“So the first time that I cooked the dishes using the cook book…walang trial and error. Kasi all the recipes are fool proof,” chika pa niya.

Very true ang sinabi ni Ms. Ivory dahil nakita rin mismo namin ang libro at bukod sa naka-Tagalog ang procedures ay talagang detalyado with matching pictures pa kung paano gawin ang bawat putahe.

Gayunpaman, paglilinaw ng chef: “Like all recipe books, it’s more of a guideline. So if you want to be more cheesy, to make it more spicy, to make it more salty ‘diba you can add more soy o kaya kapag maanghang, bawasan natin. So everything naman is up to the tea.”

Dagdag pa niya, “But I hope you will enjoy cooking the recipes as I did. Madaling tandaan, madaling gawin, ma-e-enjoy niyo.”

Maliban sa very detailed na step by step procedure ng pagluluto, may nabanggit din si Ms. Ivory about sa special feature ng nasabing libro.

“Alam niyo, ang perfect pa diyan. Just in case na hindi mo makita ‘yung recipe or hindi mo ma-gets, merong QR code on the side. It’s so good. It goes directly to a five minute video and you can really enjoy it lang. So I’m also excited for this!” Ani ng celebrity chef.

Magugunitang exclusibo naming na-interview ang CEO ng Leveret Group na si Ria Lu.

Naikuwento niya sa amin na sinadya nilang makipag-partner sa Cake Corporation (dating HYBE Edu) upang gawan ng special merch na handog lamang sa Pinoy Army.

Ayon sa kanya, isa itong “love letter” na for sure ay makaka-relate at makaka-connect nang mabuti ang maraming Pinoy sa culinary journey ng BTS.

Ang “BTS Recipe Book” Filipino version ay ilalabas na ngayong buwan ng Nobyembre at pwede nang mag pre-order sa Fables.life website.

Maliban diyan, ibinunyag din ng CEO na may dalawang BTS-inspired books pa na paparating para sa Pinoy ARMY!

Ito ang “BTS Lyrics Inside Mini-book” na iri-release sa Disyembre, at ang “BTS Travel Mini-book” pagdating ng January 2025.

Read more...