Trigger Warning: Mentions of sexual abuse and harassment.
NANANATILING matatag ang aktres na si Rita Daniela matapos sampahan ng kaso ang aktor na si Archie Alemania.
Sa kanyang interview sa programang “24 Oras,” ibinunyag ni Rita na siya ay sumasailalim na sa counseling at therapy upang tuluyang makapag-move on sa nangyari.
“There are days na hindi ko rin napipigilan, bumibigay rin ako bilang tao,” sey niya.
Dagdag pa ng celebrity mom, “I am trying my best and starting to have counseling and therapy, so anything that I can do to really help myself and to move forward and be stronger.”
Ayon sa kanya, kailangan niyang magpalakas, lalo na’t mayroon siyang anak na si Uno.
Baka Bet Mo: Rita Daniela nagmakaawa kay Archie Alemania: ‘Kuya, huwag! Kuya kita’
“I’m really trying my best to be okay because I have to. I have to be okay, I have no choice,” saad niya sa panayam.
Paliwanag ng aktres, “Because syempre, there’s a person who’s depending on me. If bibigay ako, mas kawawa si Uno, mas kawawa ‘yung anak ko.”
Sa kabila raw ng pinagdadaanan niya ngayon, isa rin sa nagpapalakas ng kanyang loob ay ‘yung mga kababaihan na nagpapakita ng suporta sa kanya.
“There are women na talagang lumalapit sa akin and they would just commend ‘yung nangyari and they’ve been telling me personally na, ‘Hey, I like what you did, you’re so brave. I hope I am like that for myself before’,” kwento niya.
Aniya pa, “It took me a while talaga to do this kung anuman ang ginawa ko kasi maliban sa pagdadasal, kailangan ding pagninilaynilayan mo lahat.”
Kamakailan lang, sinampahan ni Rita ng kasong acts of lasciviousness ang dating “Bubble Gang” star matapos daw siyang paghahalikan at pagsalitaan nito ng mga kabastusan.
Rebelasyon ng aktres, nangyari raw ang pambabastos sa kanya ng aktor noong September 9, matapos siyang dumalo sa pa-thanksgiving party ng co-star nila sa “Widows’ War” na si Bea Alonzo sa Quezon City.
Ngunit ito ay mariing itinanggi ni Archie at sinabing wala raw nangyaring pambabastos o anumang uri ng pananamantala nang magkita at magkasama sila sa naturang event, ayon kay Cristy Fermin nang makausap ang aktor.
Sey pa ni Nanay Cristy, inihahanda na ng abogado ng aktor ang ihahaing counter-affidavit sa demanda ni Rita.