AMINADO si Victorias City, Negros Occidental Mayor Javi Benitez na hindi pa bukas ang kanyang puso para sa panibagong relasyon.
Sa kanyang latest Facebook post ay ibinahagi ng alkalde na hindi pa siya hansaxsa panibagong relasyon matapos ang hiwalayan nila ng aktres na si Sue Ramirez.
“Sa mga ga-submit sang application para mangin girlfriend ko, ‘Closed for Renovation’ pa kita subong! [Sa mga nagsusumite ng aplikasyon para maging girlfriend ko, ‘Closed for Renovation’ pa rin kami!]” saad ni Mayor Javi.
Aniya, ang focus niya ngayon ay ang kanyang career.
Baka Bet Mo: Sue Ramirez, Javi Benitez tumagal ng 5 years, nagkasawaan kaya nag-break?
“Focus lang kita sa ubra kag kampanya anay. Mga Maritess, relax lang kamo ha! [Focus na lang muna tayo sa trabaho at kampanya. Maritess, relax lang],” sey pa ni Mayor Javi.
Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang kwelang hirit ng alkalde.
“Good one Mayor Javi. Life needs some humor sometimes…. opt for quality materials next time na kahit si Kristine di niya kayang wasakin.. chill lang hehe,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Do everything with a good heart and expect nothing in return, and you will never be disappointed. Ayos lang na Yor ah. Wala pa matapos ang libro mo sa lovelife. May chapter 2 pa.”
“go lng Mayor Javi ipagpatuloy ang iyong na simulan mga taga Victoriahanon always support simo, God bless,” sey pa ng isa.
Matatandaang naglabas ng opisyal na pahayag ang alkalde kung saan kinumpirma niya na apat na buwan na silang hiwalay ni Sue.
Ito ay matapos mag-trending ang video ng aktres kung saan mapapanood na naghalikan sila ni Dominic sa isang bar sa Siargao.
Ngunit bago pa ang naturang viral video ay may mga kumakalat nang chika na mukhang break na ang dalawa dahil wala nang posts ang dalawa together recently.