Heart may bonggang Pamasko sa glam team: ‘Straight from the HEART!’

Heart may bonggang Pamasko sa glam team: ‘Straight from the HEART!’

PHOTO: Instagram/@iamhearte

NAKATANGGAP ng maagang Christmas gift ang glam team ng global fashion icon na si Heart Evangelista.

Bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng Hermes bag!

Masayang ibinandera ni Iza, ang isa sa miyembro ng team ni Heart, sa Instagram ang luxury bags na ibinigay sa kanila na makikitang nakahilera sa isang couch.

Ang caption niya, “Best gift of the season, straight from the HEART. We’re blessed to be loved by you, Heart.”

Baka Bet Mo: Dating glam team ni Heart Evangelista nagsalita na, dinenay na pera ang dahilan ng paglayas

Sa comment section, lubos ding nagpasalamat ang iba pang miyembro ng glam team.

“This is too much…LOVE YOU DEAR,” komento ni Gil Sayo.

Lahad ni Ira Lesaca, “WE LOVE YOU!! Always grateful for you.”

Wika naman ni Memay Francisco, “We love you, dear! This is such a dream for each and everyone of us! Grabe to!”

Agad namang nag-reply sa kanila ang fashion icon at sinabing, “Not enough. Love you all.”

Kung matatandaan, nagkaroon ng falling out si Heart at ang dati niyang glam team dahil sa chikang pangit daw na ugali at hindi magandang pagtrato ng fashion icon sa grupo.

Bukod dito ay nabalita ring ginamit at sinagad ang credit card limit ni Heart ng makeup artist na si Justin Louise Soriano at hairstylist na si Jeck Aguilar para sa personal nilang pangangailangan.

Hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na dahilan sa mga nangyaring isyu at kontrobersiya.

Samantala noong Oktubre lamang, emosyonal na nag-open up si Heart sa bago niyang glam team.

Sambit niya, “Sana kung meron akong pagkukulang sa nakaraan ko, sana talagang mabigay ko sa inyo kasi I really want you guys to be happy.”

Ang dating glam team ni Heart ay kasalukuyan nang nagtatrabaho para sa Miss Universe 2015 at fashion influencer na si Pia Wurtzbach.

Read more...