Catriona nasa Mexico na, ‘backstage host’ sa Miss Universe 2024

Catriona nasa Mexico na, 'backstage host' sa Miss Universe 2024

PHOTO: Instagram/@jellyeugenio

MUKHANG nakatakdang umawra si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Mexico!

Siya kasi ang napiling maging backstage host sa inaabangang Miss Universe 2024 competition.

Sa Instagram, masayang ibinandera ng beauty queen ang kanyang flora-themed portraits na pak na pak sa kanyang bold makeup at strapless top.

Bungad niya sa post, “Hola Mexico!! I’m over the moon to have touched down in your beautiful country!”

“No puedo esperar a conocerte más, México,” caption pa niya na ang ibig sabihin ay very excited na siyang makilala pa ang hosting country.

Baka Bet Mo: Bakit nga ba biglang umiyak si Catriona Gray sa backstage ng Miss Universe 2022 pageant, anyare?

Aniya pa, “Grateful to have been invited back to serve as your backstage host for the 73rd @missuniverse competition.”

Ito na ang ikatlong beses na naimbitahan si Catriona na maging commentator sa nasabing international pageant mula nang makuha niya ang titulong Miss Universe noong 2018.

Sa nakaraang interview, ibinunyag ng beauty queen na siya ay inaalok na maging main host ng pageant.

Bukod sa kanya, magiging parte rin ng preliminary round host si Miss Universe 2022 R’bonney Gabriel kasama si reigning Miss Universe Sheynnis Palacios.

Ang main hosts naman ay sina Olivia Culpo at Mario Lopez.

Samantala, ang pamabato natin for this year ay si Chelsea Manalo, ang kauna-unahang Filipino-Black American na lalaban para sa ating bansa.

Paglalarawan ni Catriona, “Chelsea, she’s great. I feel like she gives a fresh new air to Miss Philippines.”

“She’s so young, and I’m really excited to see how she transforms onstage,” wika pa niya.

Read more...