GOOD news para sa mga solid LizQuen fans! Hindi totoong wala nang chance na magtambal muli sina Liza Soberano at Enrique Gil sa isang project.
Mismong si Enrique na ang nagsabi na game na game pa rin siyang maka-collaborate ang dati niyang ka-loveteam sa susunod niyang mga proyekto.
Sa naganap na presscon para sa entry ni Enrique sa Metro Manila Film Festival 2024 na “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” kahapon, November 13, natanong ang aktor kung sinu-sino pa ang gusto niyang makatrabaho in the future.
“Of course, si Liza. But she is in the US. She is really focused on her US career. Ang dami niyang auditions and events doon. We are focused on our (respective) careers,” chika ni Enrique.
Baka Bet Mo: Liza eeksena uli sa Hollywood; may mensahe sa LizQuen fans
Nasa Amerika pa rin ngayon si Liza para sa i-push pa ang kanyang international career na nagsimula na nga matapos niyang gawin ang Hollywood movie na “Lisa Frankenstein” kasama si Kathryn Newton.
Excited din ang aktor sa pinaplanong pagpo-produce ng isang horror project with Liza na nagtayo na rin ng sarili niyang production company.
“We were talking the other day and sabi niya she is really interested in my other project, the horror.
“When she comes back we will talk about the storyboard. She also has a prod company there. Eventually mag-collab kami,” chika ni Quen.
Sabi pa ni Enrique, tuluy-tuloy na rin ang kanyang pagbabalik sa showbiz with his MMFF 2024 entry na “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital”, na isang suspense-horror.
Bukod dito, ibinalita rin niya ang kanyang comeback teleserye na isang romcom. Magsisimula raw silang mag-shooting next year.
“The one I’m doing next is a TV series. I will be back. It is super fun. I have always wanted to do a concept like this. Light lang. May romance, may action,” aniya pa.
Nang tanungin kung sino ang kanyang magiging leading lady, “I can’t say yet, pero meron na.
Samantala, magiging busy ang Christmas season para kay Quen dahil nga sa promo ng “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” sa 50th edition ng MMFF.
Makakasama niya sa movie sina Jane de Leon, Alexa Miro, Rob Gomez, MJ Lastimosa, ang tarot reader na si Raf Pineda at ang content creator na si Ryan “Zarckaroo” Azurin. Showing na ito sa December 25 nationwide.