Kara David sa pagkakaroon ng bipolar disorder: It’s a gift

Kara David sa pagkakaroon ng bipolar disorder: It's a gift

NAGING bukas ang award-winning Kapuso journalist na si Kara David patungkol sa kanyang pagkakaroon ng bipolar disorder.

Sa latest episode ng “KC After Hours” na uploaded sa YouTubr noong Sabado, November 9, natanong ni Karmina Constantino ang Kapuso journalist tungkol sa nasabing mental illness.

“Hindi ka ba natakot when you came out into the open and revealed to everyone na you had this bipolar disorder? […] Na baka mag-iba ‘yong impression sa ‘yo ng ibang tao?” usisa ni Karmina kay Kara.

Sinagot naman ito ng award-winning journalist ng “Hindi”.

Baka Bet Mo: Kara David sure na sure na hindi lolokohin ng asawang seaman: ‘Secure ako sa sarili ko….para sa mata ng asawa ko, ako ang pinakamaganda’

Lahad ni Kara, “Having bipolar disorder, hindi ko siya tinitingnan as disorder. Actually, tinitingnan ko siya as a gift.

“Feeling ko, may super power ako. Ay, naku! Tayong mga may bipolar may super power tayo. Suwerte tayo. But really that’s how I look at it. I look at it as a gift.”

Pagbabahagi pa ni Kara, mabilis siyang nakakapagsulat kapag nasa manic stage siya ng sakit.

Lumalabas rin daw nag pagiging creative niya.

“Parang, alam mo ‘yon, nakikita ko lang parang lumilipad ‘yong mga words tapos kinukuha mo lang siya nang gano’n. Tapos parang makulay lahat ng bagay,” sey ni Kara.

Chika pa niya, kapag naging open ang isang tao sa kanyang mental health situation ay mas maiintindihan at matututunan nito kung paano mabuhay sa kabila ng sakit.

Una nang nakuwento ni Kara ang pagkakaroon ng bipolar disorder sa kanyang naging panayam sa podcast ni Nelson Canlas noong May 2023.

Read more...