Chloe San Jose sa pang-iiwan ni Gerald kay Ai Ai: Back to you Mamang!

Chloe San Jose sa pang-iiwan ni Gerald kay Ai Ai: Back to you Mamang!

Ai Ai delas Alas, Gerald Sibayan, Chloe San José at Carlos Yulo

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga Marites ang umano’y pang-ookray ng content creator na si Chloe San Jose kay Comedy Queen Ai Ai delas Alas.

Kumakalat ngayon ang screenshot ng umano’y pambabarag ng girlfriend ni Carlos Yulo kay Ai Ai matapos amining hiniwalayan na siya ng asawang si Gerald Sibayan.

Mababasa sa nasabing screenshot na ipinost sa Facebook at sa Reddit, ang sinasabing reaksyon ni Chloe sa breakup nina Ai Ai at Gerald. Kalakip nito ang balita patungkol sa naging pahayag noon Ai Ai sa kanya bilang dyowa ni Carlos.

Matapang na nagsalita ang komedyana hinggil sa hindi magandang pakikitungo ni Chloe sa nanay ni Carlos na si Angelica Yulo.

Baka Bet Mo: Hirit ni Chloe, Carlos ibinabagsak ng sariling pamilya: Nasasaktan ako!

Nalungkot at na-hurt daw si Ai Ai nang mabasa at mapanood sa social media ang pagsagot at pagpapatutsada nina Carlos at Chloe kay Angelica bilang isa rin siyang nanay.


Sabi ni Ai Ai kay Chloe, “Kasi nanay yan, e. Kung wala yung nanay niya, wala kang darling ngayon. Kaya, girl, huwag mo siyang aawayin. Tsaka hindi ka pa asawa, girl. Girlfriend ka pa lang.

“Kapag asawa ka na, puwede na. Pero kapag girlfriend pa lang girl, huwag mo munang awayin. Kasi alam mo naman ang mga mommy, di ba? Isa yan sa mga way na magiging harmonious ang inyong relationship,” ang pahayag ng komedyana sa panayam ng BANDERA.

At ngayon nga ay bumuwelta umano si Chloe tungkol dito sa pamamagitan ng pag-share ng artikulo tungkol sa naging payo noon sa kanya ni Ai Ai sa kanyang Facebook account nitong Martes, November 12. Makikita ito sa Miss Minchin FB page.

Ang nakasaad sa caption, “Back to you mamang, hindi para pagtawanan ang sitwasyon mo pero ang ginagawa mo sa iba ay babalik din sa’yo ng 10x ‍—it’s just the universe’s law.”

Ngunit may ilang netizens ang nagtatanong kung totoo nga kayang si Chloe ang nag-post nito. Feeling nila ay baka poser lang ito ng dyowa ni Carlos na gusto lang gumawa ng iskandalo.

Komento naman ng ilang nakabasa sa post, may “blue check” ang profile ng nasabing FB page kaya isa itong verified account.


Pero nang i-check namin ang kanyang official Facebook page ay wala namang ganu’ng post ang dalaga.

Ang paliwanag ng admin ng nasabing FB account, naka-“Friends of Friends” lang ang naturang post ni Chloe kaya ang mga “friends” lang ng dalaga ang makakabasa nito.

“Not fakenews. Naka friends of friends lang. Galing ‘to sa spy ko. Haha,” ang naka-post sa comments section ng Miss Minchin page.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag, paglilinaw o pagdedenay ni Chloe tungkol dito pati na rin nina Ai Ai at Gerald.

Inamin ni Ai Ai ang tunay na estado ng married life nila ni Gerald sa “Fast Talk With Boy Abunda, “Oo, hiwalay na kami. Sinabi niya na gusto niya magkaanak, hindi na siya happy.

“Medyo confused ako, shocked. ‘Bakit ngayong oras na ito? Sana hinintay mo muna akong makauwi sa Amerika.’ Maraming bakit.

“In fairness, wala naman talaga kaming pinag-aawayan. Actually, sa buong panahon ng pagsasama namin, bilang sa daliri yung… discussion nga, e, hindi away. So, parang nagulat ako.

“Why ngayon? Anong meron sa October? Anong meron sa araw na ito? Bakit madaling-araw dito (sa Pilipinas)?

“Sumasagot ako sa chat niya, pero nag-sink sa akin nu’ng umaga na. Siyempre, initial reaction ng asawa, nagalit muna ako. Sini-sink ko muna, ano ba itong nangyari?” ang pahayag ni Ai Ai.

Read more...