NAKARAMDAM ng panginginig ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi nang mapag-usapan ang tungkol sa mga sexual abuse cases sa showbiz industry.
Natanong kasi si Yas kung ano ang masasabi niya sa pagsasampa ng kapwa Kapuso star na si Rita Daniela ng acts of lasciviousness case laban sa aktor na si Archie Alemania.
Sa mga hindi pa aware, taong 2009 nang idemanda ni Yasmien ang aktor na si Baron Geisler sa kasong acts of lasciviousness habang ginagawa nila ang drama anthology na “SRO Cinemaserye: Suspetsa” sa GMA 7.
Baka Bet Mo: Yasmien niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan: Dream car ko talaga siya!
Naayos sa labas ng korte ang naturang kaso nang mag-public apology si Baron at personal na humingi ng paumanhin kay Yasmien.
Sa interview ng veteran showbiz columnist-writer na si Gorgy Rula kay Yasmien sa programa niya sa DZRH, napag-usapan nga ang tungkol dito at sa reklamong acts of lasciviousness ni Rita laban sa co-star niya sa seryeng “Widows’ War” na si Archie Alemania.
“Malungkot ako kapag nakakarinig ako ng mga ganu’ng balita, kasi hindi siya maganda. Hindi siya maganda for both parties, maraming naaapektuhan na mga tao, masyadong mabigat yung issue.
“Nu’ng pinagdaanan ko yun, I was really young, and I am at work. Habang nasa trabaho pa ako, nung nangyari sa akin.
“Mahirap. Mahirap yung feeling, kasi ang bigat-bigat, pupunta ka lagi ng hearing. Tapos, pag may hindi sumipot, tapos effort ka. Alam mo yung ang daming nangyayari.
“Traumatic talaga siya, para sa akin kapag naaalala ko nga yan, tingnan mo, nanginginig po ako ngayon. Hanggang ngayon, kapag naalala ko siya, nakaka-trauma talaga siya,” tuluy-tuloy na pahayag ng aktres.
Sa tanong kung ano ang maipapayo niya para kay Rita at sa iba pang biktima ng sexual abuse at sexual harassment, “Hindi ko po kasi masyadong alam yung issue. Hindi po ako masyado updated sa mga showbiz happening.
“Ang dami ko kasi…ngayon lang ako nagpa-interview ulit. Ang masasabi ko, huwag kayong matakot. Speak up! At huwag din nilang patulan kung merong mga ganu’ng jokes, dapat sabihin agad nila na stop. Tama na.
“Huwag n’yong papatulan yung mga ganu’ng klaseng tao, kasi hindi niyo dapat patulan yung conversation nila na bastos or what.
“Dapat sabihin mo, huwag. Matuto kayong mag-‘no.’ Hindi yung mahihiya kayo dahil senior actor or senior sa inyo. Dapat huwag kayong matakot sa ganu’n, isumbong n’yo yan. Sabihan niyo agad yung management about it.
“It’s really really important na malaman ng management, at tutulungan din naman ng management kayo regarding ng mga nangyayari. I’m sure may ginagawa naman sila,” pang paalala pa ni Yasmien.