NANINIWALA si Alden Richards na napakahirap talagang makahanap ng mga tunay na kaibigan at mga taong mapagkakatiwalaan sa mundo ng showbiz.
Sa isang interview, muling natanong si Alden at ang leading lady niya sa pelikulang “Hello, Love, Again” na si Kathryn Bernardo tungkol sa pag-level up ng kanilang relasyon habang ginagawa ang kanilang reunion project.
Sey ng Asia’s Multimedia Star, “The friendship that we have, Kath and I, like the whole team ng ‘Hello, Love, Goodbye’ ‘yung friendship na nabuo. Whenever we see each other, it’s like nothing has changed.
“And I guess you can’t find much of that in this industry. Mahirap nang makahanap,” aniya pa.
Pagbabalik-tanaw ng Kapuso superstar sa unang pagsasama nila ni Kathryn “Hello, Love, Goodbye” five years ago, “The first time I met Kath while doing ‘Hello, Love, Goodbye,’ very shy, very timid in a way.
Baka Bet Mo: Dolly kay Kathryn: ‘I was so nervous to meet her…at nalaman ko na hindi lang pala siya mabait, cool at creative pa’
“She is trying to explore different things pa during that time. But right now, titingnan mo pa lang siya ngayon, you can see the woman she is now. Nakaka-proud lang. She is a strong independent woman,” pagmamalaki ni Alden kay Kath.
Reaksyon namang ni Kathryn, “I would say after this movie, mas nakilala ko si Alden definitely kasi when we did ‘Hello, Love, Goodbye’ 2019, that was purely work. Wala kaming chance to talk and anything.
“I think malaking part ng chemistry is trust and friendship, and I think that’s what we have right now. Hindi mo naman makikilala kung hindi magiging open ang isang tao.
“Siguro ‘yun lang ‘yung nakatulong sa aming dalawa. We didn’t force it na ‘Okay you have to tell me all these things na hindi mo sinasabi sa ibang tao para mas makilala kita,'” sey pa ng Kapamilya actress at Box-office Queen.
Inamin naman ng dalaga na nagamit niya sa reunion film nila ni Alden ang mga masasakit na karanasan niya sa tunay na buhay nitong mga nagdaang taon.
“It made my who I am today. It helped me, all of the experiences. Siguro ngayon iba rin ‘yung medyo tumanda ako so iba ‘yung kung ipagagawa mo sa akin ang isang eksena noong 2019, tapos ipagagawa mo sa akin ngayon, feeling ko iba ko siya gagawin kasi ang daming nangyari in between those years.
“And kung ipagagawa mo siya sa akin five years from now, feeling ko iba rin ‘yung gagawin ko,” sey ni Kath.
Sa interview naman ng “24 Oras”, natanong ang KathDen kung posible pang magka-part 3 ang “Hello, Love, Again.”
“Let’s talk again after we watch (the movie),” sagot ni Kathryn.
“Ayaw naming magsalita nang tapos kasi mahirap na, eh,” sey naman ni Alden.
“I think this will put an end…this will answer all their questions,” ani Kath.
“To Joy and Ethan’s journey. Pagpahingahin na natin sila, kasi they have been througn a lot. But on our point of view, maybe it’s time to say goodbye to Joy and Ethan but what if?” dagdag ni Alden.
“We can’t tell. But for us personally, okay na,” sabi pa ni Alden.