Zanjoe magbabalik big screen after 2 years; proud na proud maging daddy

Zanjoe magbabalik big screen after 2 years; proud na proud maging daddy

KLINARO ni Zanjoe Marudo na hindi nila itinatago sa publiko ang anak nila ng asawang si Ria Atayde, ngunit sadyang masyado pa raw itong bata para ibandera sa social media.

Marami kasing netizens ang nagsabing itinatago nina Zanjoe at Ria ang panganay nila at may iilan pang nagtatanong kung hindi raw ba sila proud sa anak nila.

Sobrang proud ang aktor sa anak niyang lalaki at sa katunayan ay ramdam namin ang saya ni Zanjoe sa pagkukwento tungkol sa anak dahil hindi nawawala ang ngiti nito.

“Hindi ko naisip ang name reveal o face reveal pag may nagtanong at gustong makita (ay) pinapakita ko at sinasabi ko ang pangalan pero hindi para iharap o post ko sa online,” paliwanag ni Z nang makausap namin sa announcement ng bagong pelikulang “How to Get Away from My Toxic Family” na produced ng content creator-manager na si Ogie Diaz mula sa kanyang OgieD Productions Inc.

Sabi ng biyenan niyang babae na si Sylvia Sanchez ay kamukha ni Zanjoe ang panganay na apo pero kulay naman ni Arjo na ibig sabihin ay tisoy.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta tinawag na ‘toxic’ ng isang netizen, pumalag: Kung ako kausap mo gamitin mo utak mo kung may konti pa

“Maputi talaga, masyado siyang maputi may hawig talaga sa akin, pareho kaming may birthmark, parehas na parehas ang puwesto pati kulay dito nandito sa right (sabay turo ng kanang braso),”nakangiting sabi ng proud daddy ni Baby Z.

Sabi pa ng aktor, “Wala pa siyang 2 months, masyado pang bata kaya (hindi pa nakapost sa social media), hindi ko makita ‘yung point kung bakit ko siya kailangang i-post sa online.

“Malay n’yo next week o sa Christmas may family photo na kami na sa tingin ko mas proper, mas tamang set-up para sa family kung gusto n’yo namang makita, ipapakita ko sa inyo.”

At ipinakita nga ng aktor ang panganay nila ni Ria at guwapo nga mukhang bungisngis o mahilig tumawa base sa nakita naming video at nakuha ng bata ang nguso ng ama, medyo malaki ang mga mata na tila nakuha kay Ria at pag tumawa ay hawig din sa mga Atayde, kaya tingin namin ay hati ang hawig ni baby Z sa magulang niya.

Kwento pa ni Zanjoe nang una niyang marinig ang iyak ng anak ay natulala siya at hindi niya maintindihan ang pakiramdam na kinakabahan, may takot, at masaya pero hindi naman daw siya naiyak dahil iniisip din niya ang kalagayan ng asawa niya.

“Iba ‘yung pakiramdam, iba ‘yung feeling na hindi ko pa naramdaman ever na kahit na umaarte ako ng mga eksenang may anak, hindi pala ganu’n.  Malaki ang nabago sa akin at ito ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, pinakamasarap na naramdaman ko sa buong buhay ko,” paglalarawan ni Zanjoe sa sarili ngayong may anak na.

Breastfeeding si Ria sa anak kaya dahilan din kung bakit hindi naglalabas ng bahay o umaalis ang bagong mommy dahil gusto niya ay lagi lang siyang nasa bahay at alagaan ang anak nila ni Zanjoe.”

Samantala, pagkalipas ng dalawang taong absent sa paggawa ng pelikula at serye ay sa script ng “How to Get Away from my Toxic Family” na sinulat ni John Bedia mula sa istorya ni Ogie kaya true to life ito.

Sabi ni Ogie ay nanghingi ng workshop si Z para i-refresh ang kanyang pag-arte.

Tila naka-relate si Zanjoe sa kwento ng “How to Get Away from My Toxic Family” dahil bilang middle child ay ganito rin siya sa bahay nila.

Bukod kay Z ay kasama ring humarap sa media ang ibang cast bilang kapamilya niya na sina Susan Africa, Lesley Lina, Juharra Asayo, Richard Quan.

Ang ibang kasama sa pelikula ay sina Nonie Buencamino, Kim Rodriguez at iba pa mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

Magsisimulang mag-shooting ang grupo sa Lunes, November 11 at ipalalabas ito sa January 22 exclusive sa SM Cinema Malls.

Read more...