ARESTADO ang retired police colonel at dating Philippine Charity Sweepstakes Office chief na si Royina Garma sa San Francisco, California, USA.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano, iniulat ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang lugar kung saan naaresto at na-detain ang dating police colonel kasama ang anak nitong si Angelica Garma Vilela noong November 7.
Agad namang inutusan ni DOJ Secretary Boying Remulla ang commissioner ng Bureau of Immigration na si Joel Viado na pangunahan ang pagpapauwi kay Garma pabalik ng Pilipinas.
“We are committed to seeing justice served in every case and to upholding the integrity of our justice system, especially when it involves our country’s significant issues and concerns,” saad ni Remulla.
Baka Bet Mo: Pagbaligtad ng desisyon para paboran ang 3 Chinese firms, di nasikmura ng limang PCSO exec
Pagpapatuloy pa niya, “Whil e we work to ensure the safe return of Ms. Garma, we trust that she will remain cooperative with all ongoing investigations.”
Ayon pa naman sa media briefing ni Department of Interior and Local Government (DILG) Jonvic Remulla, na-flag ang dalawa dahil cancel umano ang kanilang mga visa.
“In the course of the hearings ng Senate, her visa was cancelled. So nagbakasakali ata siya na pumunta roon, dumating siya sa America,” saad ni Remulla.
“Ang US Immigration, [Immigration and Naturalization Service], ang US INS ang nag flag sa kanya. Detained sila and they are in the process of being sent home here, back here in the Philippines,” dagdag pa niya.
Inaasahan naman ang pagbabalik nina Garma at kanyang anak sa Miyerkules, November 13.
Matatandaang sa nagdaang hearing ng House quad committee noong October 11, inilahad ng dating PCSO chief na inutos ni former President Rodrigo Duterte ang pagbibigay reward para sa “Oplan Tokhang”.
“The Davao Model involves three levels of payment of rewards. First is the reward if the suspect is killed. Second is the funding of planned operations, and the third is the refund of operational expenses,” pag-amin ni Garma.
Agad naman itong dinenay ni Duterte sa naging interview sa kantan noong October 19 at sinabing pagkain sa restaurantat lamang ang inaalok sa pulis at “dalawang boteng scotch” ang recognition na ibinibigay sa mga ito.