SUPER happy ang dating Kapamilya actress na si Liza Soberano na makatrabaho ang Thai superstar na si Bright Vachirawit.
Sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, November 8, ibinahagi niya ang ilan sa mga behind-the-scenes photos nila ng Thai para sa music video ng “Long Showers”.
“Had so much fun working on this, Long Showers out now! @bbrightvc @88rising,” saad ni Liza.
Makikita naman sa mga larawan na talagang close na close ang scenes ng dalawa.
Baka Bet Mo: Liza Soberano grateful sa Careless, nahanap ang ‘boses’ bilang babae
“Thank u for ur commitment Liza. It’s really fun working with u. See u soon!” reply naman ni Bright sa kanyang post.
Marami naman sa mga netizens ang nag-comment at tila kinilig sa pagtatambal ng dalawa.
“I don’t know if you are an actress or not Liza but I want a series of Bright and you! A really good work… You’re incredible!” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Congratulations chemistry overload for both of you. More projects for both like series or movie please”
“Yieee!! The chemistry is a bomb!! A collaboration I’ve been waiting for of two talented artists. Congratulations to both of you, Liza and Bright!” hirit naman ng isa.
Matatandaang nauna nang ibinahagi ni Bright ang unang patikim ng music video para sa kanyang kanta.
Samantala, kamakailan lang ay muli na namang umingay ang pangalan ni Liza matapos ang pag-alis nito sa Careless Music.
May mga lumabas ring chika na may relasyon ito sa dating business partner ni James Reid na si Jeffrey
Oh.
Wala namang kumpirmasyon na inilabas ang kampo ni Liza hinggil rito.