FINALLY, nagsalita na si Mayor Javi Benitez ng Victorias City ng City of Negros na matagal na silang hiwalay ng aktres na si Sue Ramirez.
Matatandaang tatlong beses naming sinulat dito sa BANDERA sa pamamagitan muna ng blind item hanggang sa pinangalanan na naming sina Mayor Javi at Sue pero nanatiling tikom ang mga bibig nila kaya patuloy pa ring hindi naniniwala ang iba dahil wala naman pag-aming naganap.
Recently ay muli naming sinulat kung bakit naghiwalay ang dalawa dahil may nakausap kaming taong malapit sa dalawa at nabanggit ng taong ito na, “e, kasi five years na sila, so matagal na?” na tila dapat nang maghiwalay kas inga matagal na at baka nagkasawaan na?
Baka Bet Mo: Sue Ramirez, Javi Benitez tumagal ng 5 years, nagkasawaan kaya nag-break?
Klinaro pa ng aming kausap na walang kinalaman ang parents ni Mayor Javi sa hiwalayan na balitang hindi sila boto sa aktres dahil hindi na nila ito mapagtutuunan ng pansin dahil parehong busy ang magulang ng binata bilang mayor ng Bacolod si Ginoong Albee Benitez at si Gng Nikki Benitez ay abala rin sa kanyang negosyo at iba pa.
At ipinagdiinan ding walang third party sa parte ni mayor Javi.
Anyway, kung hindi pa siguro nag-viral ang kissing photo nina Sue at Dominic Roque sa Siargao kahapon ay hindi pa siguro magsasalita si mayor Javi kas inga nakadikit ang pangalan niya pa rin sa dalaga at maraming netizens ang nag-komentong, ‘di ba dyowa niya si Javi? Anyare?” at may mga sumagot naming, ‘hiwalay na sila.’
At para maging opisyal na kung anuman ang namamagitan kina Sue at Dominic ay naglabas na ng kanyang official statement si mayor Javi na wala na nga sila ng aktres sa pamamagitan ng legal counsel niyang si Atty. Joji Alonso na pinost sa kanyang Facebook account.
Simul ng binata,“For the last five years, as Inday Sue and Toto Javi, two Negrosanons from different worlds, we built a world of our own. It was full of love, dreams, laughter, and all the ups and downs in a relationship where you shared your life with someone. There were no outside forces, just two hearts finding their way together.”
At saka inaming apat na buwan na silang hiwalay.
“Four months have passed since our paths quietly and respectfully went their separate ways.
I look back with so much gratitude for the smiles, the laughter, and all the little joys we shared. Sue is a beautiful soul, a gem in the entertainment world, a true talent who showed me that love can be both fierce and gentle.
“ and the love she deserves. Here’s to those good times, held close to my heart and to the grace of whatever lies ahead.
“I hope she continues to share her God-given talent with many more, touching lives as she has touched mine.”
Samantala, magiging bukas na rin kaya sina Sue at Dominic sa kanilang relasyon?