KALIWA’T KANAN ang mga nagtatanong sa Kapamilya actress na si Sue Ramirez kung ano nga ba ang namamagitan sa kanila ni Dominic Roque.
Matatandaang nitong Biyernes, November 9, nag-trending ang dalaga matapos kumalat ang video nila na naghalikan habang nasa isang bar sa Siargao kasama amg mga kaibigan.
Kaya naman hindi kataka-taka kung marami ang maintriga kung may namamagitan na nga ba sa pagitan nina Sue at Dominic dahil sa pangyayari.
Sa katunayan, binomba ng netizens ng mga comments ang latest Instagram post ng aktres na kuha sa Siargao, isang bagay na nagpapatunay na talagang ang dalaga ang nasa naturang viral video.
Baka Bet Mo: Sue Ramirez, Dominic Roque nahuling naghahalikan, magdyowa na ba?
“omg inday Sue Ramirez why oh why..? haha echooosssss lang.. keri lang na kung new live life ah! basta always choose someone who will prioritise your peace and happiness,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “So kumusta naman mare ang pa-kissing scene sa Siargao?”
“Inlove na kaya uli c mareng Sue? DomSue layaaaaag!” hirit naman ng isa.
May mga netizens rin na hindi napigilan na mabanggit sa comment si Victorias City Mayor Javi Benitez.
Ito kasi ang alam ng madlang pipol naboyfriend ni Sue for five years sa kabila ng mga espekulasyon na hiwalay na sila.
Wala pa rin kasing inilalabas na kumpirmasyon ang dalawa kung totoo bang nag-break na sila.
Ngunit sa kabila ng mga intriga ay tila nananatiling unbothered si Sue sa mga intriga at ninanamnam ang bakasyon sa isla ng Siargao.