PROUD na ibinandera ng aktres at komedyanteng na si Kiray Celis kung gaano siya kamahal ng dyowang si Stephan Estopia.
Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, November 8, inamin niyang super saya sa pakiramdam na magkaroon ng boyfriend na mahal na siya.
“Yung feeling na mahal na mahal ka ng jowa mo at never kang niloko. Sarap sa pakiramdam no?” saad ni Kiray.
Kasunod nito ay ang pagpapatutsada niya sa kilalang social media personality na si Senyora.
Baka Bet Mo: Kiray Celis hindi makapaniwalang nadala ang buong pamilya sa Disneyland
Pagpapatuloy pa ni Kiray, “Pero paano naman yung never naman jinowa pero feeling niloko? Hello Senyora! SHOT PUNO! HAHAHAHA!”
Tila ang ginawang pagpapatutsada ni Kiray ay may kinalaman sa trending kiss video nina Dominic Roque at Sue Ramirez.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga active chikadoras na super bet talaga ni Senyora si Dominic.
Kantyaw pa ni Kiray, “Sinong FEELING JOWA at feeling niloko? Itaas ang kamay Senyora BUAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”
Agad namang nag-reply ang kanyang palaging kabardagulan sa naturang post.
Sagot ni Senyora, “Kiray MANAHIMIK KA WALA KANG ALAM!!!!”
Tawang-tawa naman ang madlang pipol sa bardagulan ng dalawa.
“Gustong gusto ko talaga yang asaran nila Kiray at senyora hehehehe,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Yung wala ka na ngang jowa tas hindi kapa kamahal mahal!!! Pait! Bawi next layp! Haha”
“Kiray Celis pagandahan kasi labanan e si Senyora lumaban ng dibdiban ayun talo,” hirit naman ng isa.